TOH Chapter 24: Personal Forgiveness

624 53 0
                                    


Faith's POV✨

🎶🎤

Huh? Nagtagumpay sila?! Sinong sila?

Loading.........

Loading.........

Loading.........

Loading.........

Loading.........

Loading.........

Loading.........

Loading.........

Wait, teka?! Ang sinasabi ba niya ay ang....
WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! I have to confirm it!!!!

"Ang mga kaibigan ko ba ang tinutukoy mo Diwata? Sila ba ang sinasabi mong nagtagumpay?!" nasasabik kong tanong sakaniya.

Nginitian niya naman ako pagkatapos ay tumango tanda na oo ang sagot niya.

Hindi ko na napigilan pa ang tuwang nararamdaman ko dahil talagang napasigaw pa ako at nagtatalon-talon sa buong silid dahil sa galak.

Agad ko namang naalala na may kasama pala ako rito sa loob.  Nakalimutan ko palang nandito rin si Diwata kung kaya't agad akong tumigil sa pagtalon upang lingunin siya.

Ang layo ko na pala sa pwesto niya. Nakakahiya, syete! Agad naman akong bumalik sa pwesto namin kanina ngunit nakayuko ako habang kamot-kamot ang batok ko, baka kase pagalitan ako nito pero still excited na akong makita ang mga kaibigan ko! Yieeeeeeeee!!!!

"Alam ko kung gaano mo na kagusto makita ang iyong kaibigan kung kaya't hindi ko na ito tutulan," nakangiting wika nito na ikinatakip ng bibig ko.

"Ibig bang sabihin nito Diwata, na, ito na ang takdang oras ng aking pag-alis?" masaya kong tanong sakaniya.

Ngumiti muna ito bago sumagot. Nature na ata talaga niya ang gawin yun, hihihihi!

"Oo binibini ngunit bago iyon ay samahan mo muna ako sa aking silid-tulugan upang makuha mo na mula sa akin ang iyong hinahanap," sabi nito na ikinagitla ko.

Ang accuma ba ang tinutukoy niya na ibibigay niya sa'kin? Pero ang sabi ni Sir Boomer, kusa daw lilipad ang accuma sa kaniyang napiling tagapangalaga, kaya bakit si Diwata ang magbibigay sa'kin? Nakakapagtaka lang!

Magtatanong sana ako kay Diwata kaso ay malayo na ito sa'king pwesto. Aissh!! Wala na naman akong choice kaya humabol ako sakaniya, buti na lang talaga naabutan ko pa siya!

Hindi naman kalayuan ang kaniyang bedroom pero nang buksan niya ang pinto nito, ay para akong nakatira sa Garden of Eden! Myghadddd ang ganda ng pagiging forest theme ng kwarto niya! Wahhhhhhhhhhh! Actually, pwede siya maging interior designer mga teh!!!!

"Pumasok ka na binibini kung nais mo na talagang makita ang iyong mga kaibigan dahil kahit sila ay hinahanap ka na rin," sabi nito na ikinabigla ko. Manggulat ba naman eh!

Nilingon ko naman ito at nasaksihan ko kung paano niya gamitan ng kaniyang mahikang pagkontrol sa halaman ang kaniyang drawer, i think?

Pumasok naman ako sakaniyang bedroom and still na-aamaze pa rin ako sa nakikita ko! Ang ganda kasi!

Habang papalapit ako sakaniyang pwesto, ay siya namang pagkuha niya ng kung anumang bagay sa loob ng binuksan niyang parang drawing. Ang pinagkaiba lang eh gawa ito sa baging at matinik na halaman.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now