TOH Chapter 48: Awakened yet Uncontrolled

513 32 11
                                    


✨Second Horsemen's POV

(Araw ng paglabas ng walong estudyante sa Forbidden Forest of N)

Nasa kalagitnaan ako ng pagdidiscuss sa mga estudyante ko about evolution of humans, nang bigla akong mapatigil sa pagsasalita dahil sa biglaang pagsakit ng aking ulo.

Napaluhod ako sa sementadong sahig ng silid habang hawak ng aking dalawang kamay ang ulo kong tila pinupukpok sa sakit at hapdi.

Nagsisisigaw na rin ako kase parang may hinahalukay sa utak ko na gustong ilabas. Kahit anong pigil kong huwag sumigaw ay hind ko magawa and kung tatatagal pa ito'y, hindi posibleng mahimatay ako.

Nagtataka lamang ako at kung bakit wala man lang lumalapit sa'kin upang tulungan ako, kung kaya't hirap man ay tiningin ko ang paligid.

Napansin ko ang gustong paglapit sa'kin ng mga estudyante ko pe...pero may pwersang pumipigil sakanila.

Konti na lang at hindi ko na talaga kaya pa ang sakit na dulot ng kung ano man ang nangyayari sa'kin kung kaya't naisigaw ko ng sobrang lakas ang nararamdaman ko.

And there, nahimatay ako at kasabay nito'y ang pagkawala ng iniindang sakit sa ulo.

The next thing I knew, ay nagresign ako sa eskuwelahang pinagtatrabahuhan ko at nag-apply sa eskuwelahan kung saan dapat ako naroroon bilang guro, pati na rin ang napiling susunod na tagapag-mana. Hindi lamang 'yon, sapagkat muli ko ng makakasama ang aking bunsong kapatid na nagawan ko ng malaking kasalanan.

"Magkakasama na tayong muli Laxia, aking kapatid," bulong ko sa hangin sabay katok sa opisina ng Headmistress ng Skylar Academy.

"Come in!" rinig kong wika ng tao sa kabilang pinto na nagpangiti sa'kin.

✨✨✨✨✨

✨Ash Keith's POV✨

🌈

(Two days after malaman ni Aries Kurt, Eon, Hedmistress Athena, Nurse Leo at Nurse Heal ang tungkol sa marka ni Ash Keith)

"Mali frenyy! Very Wrong!!!! This means peace then ito ay sign ng pagsurrender! Ganerns!" may gigil na paliwanag ni Eon sa'kin habang pinagduduldulan pa sa pagmumukha ko yung dalawang daliri niyang nakakorteng V na tinatawag na peace daw pagkatapos ay yung pagtataas ng dalawang kamay na nakakorteng L na parang hinuhuli ng pulis ay pagsurrender daw.

It's Sunday today and ito ang naisipang mangyari ni Eon na gawin. Pabor naman ito sa'kin kase parang kailangan pa ng katawan ko ng konting pahinga kahit na dalawang araw na ang nakalilipas nang mangyari ang pagliyab ng aking kamay. Tinatanong ko nga si Eon kung ano ang nangyari sa'kin pero ang sabi niya lang eh, hindi raw ako ang dapat magsabi 'non at hintayin ko na lang ang taong magsasabi sa'kin ng lahat.

Nasa kwarto ngayon kami and 'yon nga, inisa-isa niya 'yong mga body language na hindi ko talaga alam. May mga mabilis naman akong nasaulo pero may ilan na need ng repetitions before I completely understand it.

"Okay Eon I get it! Atsaka naririnig naman kita kaya huwag masyado malakas ang boses pwede ba 'yon? Masakit sa tenga eh" sagot ko naman habang hinihimas ang tenga ko.

Nakatanggap naman ako mula sakaniya ng pagsaring ng mga mata na isinawalang-bahala ko na lamang.

"So, let's proceed to the ne-" naputol na wika ni Eon dahil sa narinig naming katok ng sinumang nasa kabilang side ng pintuan.

"Eon, pakibuksan naman. Hindi ko lang trip gumalaw ng gumalaw ngayon tutal malapit ka naman sa may pintuan," pag-utos ko sakaniya.

"Ano pa nga ba?! Hayssst! Kota ka na frenny huh! Nagmumukha na'kong muchacha sa -" maarteng naputol na pagsasalita na naman na Eon dahil mula sa katok sa pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now