TOH Chapter 38: Phobias

464 40 0
                                    


Christoff's POV✨
*Cynthia's Father*

The truth in the my past had been recovered. Hindi ko inaakalang kasama pala kaming anim na magkakaibigan sa pagsugpo sa lider ng mga grantevil.

Buong akala nami'y nahimatay kaming anim at tanging ang the chosen one at mga Horsemen lamang ang kumitil sa buhay nito.

Nasaksihan ko rin ang pagbitaw ng sumpa ng lider ng mga grantevil na sinasabi ni Athena. It was really horrible and scary sa totoo lang.

Akala ko'y tapos na ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan ngunit biglang nagbago ang senaryo ng paligid.

From the battlefield, ay napalitan naman ito ng senaryo kung saa'y nasa harapan ko ang aking anak na si Cynthia.

Inihaharang ni Cynthia ang kaniyang sarili sa isang estudyanteng nakalugmok sa lupa mula sa mga granted na mukhang nagsisimula ng gulo.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! Mga naturingan kayong may kapangyarihan, ngunit ginagamit niyo lang ito sa kasamaan! Hindi na kayo nahiya!" sabi ng aking anak noong nasa elementarya pa lamang siya ng Skylar Academy.

"And so! Wala dito ang kuya mo kaya wag ka ng umasa na may magliligtas sa'yo this time! Ewan ko ba kung bakit tanggap ka pa rin ng pamilya mo, eh wala ka namang kapangyarihan! Nakakahiya ka! Right girls!" nang-iinis na wika ng mukhang lider ng grupo sabay tawanan ng lahat ng nakarinig which is mostly mga granted.

Imbes na maging down ang aking anak dahil sa narinig niya ay nginitian niya lang ito ng may kasamang paang-aasar na ikinatuwa ko naman.

"Wala man akong kapangyarihan tulad ng kuya at parents ko pero may isang bagay ako na siguradong wala kayo. Pagmamahal! Kulang kayo sa aruga at pagmamahal ng magulang kung kaya't naging ganiyan ang mga ugali niyo. Itinuro sa'kin ang magagandang asal na sigurado akong walang-wala kayo. Sa totoo lang, naawa ako sa kapangyarihan niyo, dahil napunta sila sa masasamang nilalang na walang ibang ginawa kundi ang manakit at mang-apak ng tao!" mahabang litanya ng aking anak sa babaeng granted.

Napansin kong nagalit ang kaaway nito at agad na ginamitan ng kapangyarihan ang aking anak, ngunit bago pa mangyari iyon, ay nagbagong muli ang eksena.

Habang nagshishift sa panibagong senaryo ay muli kong inisip ang nakita ko kanina.

Proud na proud talaga ako sa bunso kong ito dahil kahit na isa siyang defective granted o nilalang na walang kapangyarihan kahit na ang parehas magulang ay granted, nanatili pa rin siyang matapang at palaban sa mga taong manghanamak sakaniya.

Noong ipanganak kase siya ni misis ay agad din naming nadiskubre na wala siyang anumang kapangyarihan, ayon sa sinabi ng aking kaibigan na si Selene na isang grant sensor.

Syempre nagulat kami ngunit hindi naming inisip na masama ito dahil talagang may mga cases na ganito lalo na kapag ang both parents ay granted. Kung mayroong nakukuha ng anak ang both granted ng parents, sympre mayroon ding hindi at sa kasamaang-palad ay nangyari ito sa'king bunsong anak na si Cynthia.

Pinag-aral namin ang dalawa sa Skylar Academy at dahil kailangang sumunod sa patakaran, ay nagkahiwalay ng building ang dalawa. Si Cynthia ay sa Ordinary Building, samantalang si Ice ay sa Granted Building.

Akala ko'y magiging matiwasay ang bawat araw sa aming bunsong anak na si Cynthia ngunit nagkamali ako, dahil hindi lilipas ang araw na hindi siya umuuwi sa bahay na madumi ang uniform at puro sugat at pasa ang katawan, ngunit imbes na sakit at pagod ang gumuhit sakaniyang labi ay hindi man lang ito makikitaan ng ganun, dahil tanging matamis na ngiti lamang ang nakaukit at binibigay nito pag hinaharap niya kami sa entrada pa lamang ng aming pintuan. Buti na lang at laging always to the rescue si Gail, at ang asawa nito.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now