TOH CHAPTER 42: Egg-ceeding Expectation

515 49 2
                                    

✨Cynthia's POV✨

⚖️

Nang matapos ang pagninilay-nilay ni Eon ay tsaka kami muling kinausap ng fairy.

"Nararamdaman kong handa na kayong umpisahan ang pagsubok. Kung kaya't hayaan niyo akong ibahagi sainyo ang ilang dapat tandaan habang isinasagaw niyo ang paghahanap sa inyong mga accuma," nakangiting wika ng fairy na nagpatingin sa'min ni Eon sa isa't-isa ngunit mabilisan lamang ito.

"Tulad nga ng sinabi ko kanina, hindi niyo magagamit ang inyong kapangyarihan sa paghahanap ng inyong accuma dahil walang anumang uri ng majicus ang tatalab o gagana rito sa loob at sa isang serkumpereniyang sukat sa labas, liban na lamang kung ika'y isang tagapagbantay na katulad ko o kabilang sa hanay ng tagapag-mana," panimula nito na ikinatango ko na lang.

Kaya pala mas trumiple ang bigat ng pakiramdam ko rito sa loob, hindi katulad nung nasa labas pa lamang ako na hindi masyado.

Bilang isang gravity manipulator, kaya kong manipulahin ang gravity sa paligid ko, kahit na ang sarili ko. Atsaka, simula noong makuha ko ang kapangyarihang ito, feeling ko laging ang gaan-gaan ko to the point na nadiscover kung kaya ko palang lumipad with all my might ng walang ginagamit na majicus spell pero nanatiling lihim pa rin ito sa karamihan. Sabi kase nina Mama at Papa sa'kin ay wag ipagsasabi na may ganito akong kapangyarihan dahil ang pagkakaroon daw ng ganitong kakayahan ay nabibilang sa hanay ng mga sinaunang Diyos. Kung kaya't sa tuwing lumilipad ako, nagkukunwari akong gumagamit ng majicus spell. Iyon ang sikretong hindi ko alam kung sasabihin ko sa mga bago kong kaibigan, ang kapangyarihang makalipad ng mas mabilis pa sa hangin. Sa ibang pagkakataon ko na lang siguro ikukuwento ang iba.

Back to the topic, parang may nakataling mabigat sa paa ko kung kaya't hindi ko ramdam ang hangin at gravity sa paligid ko.

"Ang sentrong lugar na ito ay nababalot ng makapangyarihang nullification ng isa sa anak ni Bathalang Arceus na si Panginoong Dande kung kaya't ang tanong makakaya niyo bang malagpasan ang pagsubok na ito ng hindi umaasa sa inyong kapangyarihan? Nalulugod akong masilayan ang inyong kakayahan, kung kayo ba ay karapat-dapat o hindi sa isa sa mga accumang naririto," mapanghamong wika nito na may ngiti sa labi.

Ba-thalang Dande? Kaya pala hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ko dahil sa kapangyarihan nitong nullification. Sobra ngang lakas nito dahil malawak ang sakop ng kapangyarihan niya.

"Hindi ko na patatagalin pa ang pagsubok na'to kung kaya't ibinibigay ko na sainyo ang tatlong daan at higit pang accuma sa inyong harapan! Hangad ko ang inyong tagumpay!" nakangiti nitong wika sabay kumpas ng kamay nito na nagpalitaw ng dilaw na magic circle sa kaniyang kinaliliparan pagkatapos ay nawala ito kasama ang fairy.

After that, eh narinig ko ang nagtatanong na boses ni Eon.

"So, anong plan ang gagawin natin girl? May naiisip ka ba?" tanong sa'kin ni Eon.

Hindi ko muna siya sinagot bagkus ay nanatiling nakatingin ako sa tatlong mahabang mesa na nasa aming harapan.

Mas maganda siguro kung puntahan muna namin ni Eon ang maihahalintulad sa'ming sarili at kagustuhan. Tutal, alam kong kanina pa laway na laway itong si Eon sa mga alahas at diyamante na kanina pa niya tinitingnan. Haysst.

"Na-iisip kong gawin eh, why not puntahan muna natin yung maihahalintulad natin sa'ting sarili o bagay na gusto nating makuha," wika ko kay Eon pagkaharap na pagkaharap ko sakaniya na ikinangiti naman niya.

"Don't tell me-?" paputol nitong wika.

"Yes! Eon, alam ko namang gustong-gusto mong puntahan ang kategorya ng mga alahas," madalian kong sagot na mas lalong ikinalawak ng ngiti niya.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now