TOH Chapter 31: Kiss Mark

592 45 0
                                    


Ash Keith's POV✨


🧝

"Terrenceeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"

Rinig naming sigaw na nagpatingin sa'ming lahat sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig.

I don't know kung may nagulat pa ba sa aming nakikita ngayon dahil sa ibinunyag kanina ni Terrence. Hindi naman kase kalayuan ang pwesto ng nilalang na nagmamay-ari ng boses at ng kasama nito kung kaya't madali na lang maidentify ang kanilang pagkakakilanlan.

Si Gary na nakangiti habang nakaakbay kay Erick ang aming nakikita.

Bumitaw mula sa pagkaka-akbay si Gary pagkatapos ay sinimulang takbuhin ang aming pwesto na naging dahilan naman para kay Terrence upang tumayo at tumakbo papalayo rito. Haysst, bumalik na nga ang dating Gary na palabiro, masiyahin, at maloko. Masaya akong nakikita siya ngayon na nasa maayos na kalagayan, thanks to Terrence plan!

Habang busy sa panonood ang mga kasama ko sa dalawang naghahabulan ay pansin ko ang pagtaas ng dalawang kamay ni Celestina pagkatapos ay winawagayway ito habang nakatingin sa direksyon ni Erick. Sa tingin ko'y tinatawag niya ito kung kaya't ginawa ko rin ang ginagawa niya.

Agad din naman kaming napansin ni Erick kung kaya't tinungo niya ang pwesto namin hanggang sa makarating na nga siya.

Sinalubong namin siya ng yakap at pangangamusta at ginantihan niya niya naman ng yakap di  at sagot na 'okay na' ngunit hindi siya sumagot sa mga katanungang agad na ibinato ng dalawa naming kasama na walang iba kundi sina Faith at Eon dahil nakatingin ito sa pagkaing nakalagay sa apat na polong nakabalandra sa damuha at isang piling ng saging.

Siguro nagtaka siya kung bakit apat ang polo kung kaya't inisa-isa niya kaming tingnan hanggang sa mapadako ang kaniyang tingin niya sa'kin. Nginitian ko na lang siya kung kaya't binalik na niya ang tingin sa mga pagkain.

✨✨✨✨✨

Erick's POV✨

🏹

1 second
.................
2 seconds
.................
3 seconds
.................
4 seconds
.................
5 seconds
.................
6 seconds
.................
7 seconds
.................
8 seconds
.................
9 seconds
.................
10 seconds
.................

10 seconds!!!!!!!!!!!! 10 F*CKING seconds ako naging tuod dahil sa biglaang senaryo na nangyari sa'kin kanina, na sa akala ko'y hindi mangyayari sa buong buhay ko!

Arghhhh! Mas lalong nagliliyab ang kakaibang nararamdaman ko sakaniya! Matagal ko na tong' tinago sa lahat pero nang dahil sakaniya, baka malaman pa ng iba! Nakakainis na.......nakakakilig??

Arghhh! Erase! Erase it Erick! Wag mo mo na lang isipin ang sinabi niya kanina. Forget it and relax!

"Huy Erick! Okay ka lang talaga? Kanina ka pa lutang diyan!" rinig kong tanong ni Faith sa'kin.

Dahil sa biglang pagtatanong ni Faith, kunot-noong napatingin ang lahat ng kasama ko sa'kin at mariing naghintay ng kasagutan, maliban sa isang tao sa aking harapan na direktang nakatingin lamang sa'kin habang nakangisi at tila natutuwa pa sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Tapos na kasi silang maghabulan nina Terrence kaya umupo na rin at kumain sa pwesto kung saan kami naroroon, bale magkatabi ang dalawang isip-bata.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now