TOH Chapter 9: Mind Reading?

1K 76 3
                                    

✨Ash Keith POV

🧝

Isa-isa kong pilit inaabsorb ang mga sinabi sakin ni Eon kanina lang sa canteen atsaka ang nangyayari ngayon mismo sa harap ko. Pagkatapos kase naming kumain, ay dumiretso kami sa fairyland na nakita ko noong unang labas ko sa clinic kung kung kaya't marami akong natuklasan na  something unusual about myself at sa mga estudyanteng nabibilang sa Luna Granted Class.

Paanong nga ba nangyari ang lahat iyon?!.......

•Flashback•
(Canteen)

"Sana naman wala ng gumawa ng scene rito kase hindi ko talaga ma-continue ang pagkuwento ng mga unexpected event sa buhay mo frenny! Nagmumukha ka kaseng you know....WEIRDO, sa mga nangyayari, na dapat, bago ka pa lang ienroll dito, may ideas ka na o initial information na nalalaman about here sa academy. Pero don't worry, ipag-pray na lang natin kay Bathalang Arceus na sana ang araw nato'y para sating dalawa lang, okiee? The question is, are you ready frenny?" mahabang litanya nito sakin sabay tanong pagkaupong-pagkaupo sa kabilang side ng table na napili naming pagkainan.

Ano bang dapat kong malaman? Hindi naman ako mangmang kung ang tinutukoy niya ay tungkol sa mga kakaibang nangyayari sa akin simula ng mapunta ako rito sa academy. Ang mga panaginip ko, pag-aanyong kaluluwa ko at pagkarinig sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sakin nang hindi bumubuka ang bibig ay isinasawalang-bahala ko na lang dahil baka gawa lang ito ng aking malikot na imahinasyon. Ayon sa aking nabasa noong nasa bahay pa ako, ang mga ganung pangyayari ay marahil dulot ng nag-uumapaw na negative emotions ng isang tao tulad ng pangungulila at sobrang pagkalungkot which happens na nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon.

"Hoy bakla! Anong nangyari sayo at out of nowhere naging malungkot ang face mo. Don't say na nag-flashback ka na naman?! nakataas-kilay nitong tanong sakin.

"Hindi no. Naisip ko lang sina Mama at Papa. Kamusta na kaya sila," malungkot kong sagot sakanya.

"Don't worry about them frenny, ayos lang sila for sure. Masyado kang nag-iisip eh. Alam mo para madivert ang utak mo, bakit hindi ikaw naman ang umorder ng pagkain natin rito. Para may magawa ka naman. Nagmumukha na akong tsimay mo bakla. Hindi bagay sakin no," turan nito na may halong inis.

"Okay, pambawi ko man lang sayo. Ano ba gusto mong orderin ko para sayo?" tanong ko rito.

"Spaghetti with meatballs na lang at isang coke in can. I'm on the diet eh," sabi nito sabay ngiti.

"Okay," sagot ko sakanya pagkatapos ay agad kong tinungl ang counter nito.

Nang nasa counter na ako, kumuha muna ako ng eating utensils tulad ng kutsara't tindor, food napkin at baso. Mukhang kasya naman na lahat dito kaya pagkatapos ay kinuha ko ang atensyon ng babaeng server na kasalukuyang nagcecellphone sa harap ko sa  pamamagitan ng pagtikhim.

"Ehem," tikhim ko rito na mukha namang effective dahil napalingon ito sa gawi ko.

"Ay pasensya na ganda. Emergency kase. Nireplayan ko lang. Ano pala sayo?" nakangiti nitong sambit habang itinatago ang cellphone sa kaniyang bulsa.

Bigla naman akong naconscious sa sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay tawagin sa mga pambabaeng puri. Again, wala naman kase akong narinig na papuri sa buong buhay ko kundi puro masasakit na salita. Hindi ko alam na napatulala na pala ako sa kawalan. Naggising na lang ako nang tanungin ako ng babaeng nasa harap ko.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now