TOH Chapter 14: Mind Barrier

801 65 2
                                    


Aries Kurt POV

🤴

✨The Next Day✨

"Pare, ang inosente naman ng chickababes mo! Biruin mo daks ka raw without knowing the real meaning of it, hahahah!" pang-aasar na winika ni Aaron.

Tss. Pinaalala na naman niya ang nangyari kahapon. Ano ba naman kase ang pumasok sa utak ng lampang yun at sinabi niya ang bagay na'yon. Ganun ba talaga siya kainosente sa aspeto ng sekswal.

Kung sa akin lang, walang problema dun dahil it's a blessing na kailangang dapat hindi ikahiya, hehehe! Ang inaalala ko lang baka bastusin siya sa kainosentihan.

May hindi rin ako nagustuhan sa ikinilos niya kagabi. Nagngingitngit ako sa galit dahil sa nakita ko. May gusto ba ang lampang iyon sa lalaking yelo na yon. Tss!

Alam kong binigyan kami ng special assignment ng unknown person which is to protect him pero itong lampa namang to ang nagdadala sakanya sa kapahamakan. Tss!

Andito pala kami sa SSC Office. Nasa table ko ako samantalang ang dalawang ugok ay nakaupo sa sofa ng office.

Tinapunan ko ng matalim na tingin si Aaron dahil sa sinabi niya.

"Pero seryoso Aries, Daks ka ba talaga?" tanong naman ni Ice na may bahid ng pang-aasar.

Isa pa'tong yelo na'to. Talagang sinusubukan ako ng dalawang ugok na'to ah.

"Gusto mo ipakalat ko secret crush mo Ice? Ikaw Aaron, baka gusto mong ipaalam ko sa mga granted ang deepest secret mo?" seryoso kong tanong sakanila.

From laughing face to shock face real quick.

"Pareng Aries naman hindi ka na mabiro. Syempre, lalaki naman tayo lahat rito, pati sa usaping yun, hot-tempered ka pa rin?! San ka ba maglalagi, hahaha," wika ni Aaron.

"Yeah right. Atsaka bakit ka nagagalit kung hindi naman totoo? Unless......" natatawang putol na dugtong sana ni Ice.

Enough is enough. Napuno na ang salok and it's their fault sa kung anuman ang mangyayari sakanila.

Buti na lang at parehas nakatutok ang kanilang mata sa'kin na para bang naghihintay ng sagot sa tanong ni Ice. Isang mabilisang spell chant ang aking ginawa.

"Mind Trickery Majicus: Mind Controllment"

And everything is in my control. Ano kayang magandang gawin sa mga ugok na'to.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong opisina kung saan kami kasalukuyang naroroon. Nakita ko ang mga bagong papeles na kailangang isort out by-date.

Hmm......alam ko na. Mga walang kasense naman tong kausap kung kaya't.........

"Ice at Aaron. Puntahan niyo si Keith sakanyang dorm at kung wala naman dun ay hanapin niyo kahit saan. You can use your majicus but do it secretly. Sabihin niyong sinusundo niyo siya dahil sabi ko. He is forgetting something today. Get it?" utos ko sa dalawa.

Walang kaalam-alam na tumango ang dalawa bilang sign ng pagsang-ayon.

"Sige, you may go," walang-gana kong wika.

Tumayo ang dalawa at lumabas ng magkasunod.

Dinukot ko ang phone ko mula sa aking bulsa. Lumabas rito ang screen wallpaper ko. Napangiti na lang ako sa hindi malamang dahilan.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now