TOH Chapter 35: Past of Truth

501 45 0
                                    


Headmistress POV✨

👩‍💼

Matapos kong sabihin ang mga katagang lumabas sa'king bibig na kaytagal ko ng ninanais na pakawalan sa kauna-unahang kong kaibigan, ay nagulat na lamang ako nang bigla niya akong itinulak ng pagkalakas-lakas upang mawalan ako ng balance sa sarili, buti na lamang at nasalo ako ni Maria at Fina. Napansin ko namang napatayo ang lahat ng mga kaibigan ko upang daluhan ako. Nagtanong pa sila kung okay lang daw ako pero hindi ko ito nasagot dahil tanging sa babaeng nasa aking harapan lamang nakafocus ang aking atensyon.

Panisin kong mukhang nagulat rin siya sakaniyang nagawa ngunit pinanatili niya ang kaniyang emosyong pinakita kanina nang magsalita siya.

"Pasensya na kung naitulak kita Ms. Principal, bigla ho kasi kayong nangyayakap eh, may phobia ako sa mga yakap-yakap na yan. Atsaka, hindi ko po kilala ang tinutukoy niyo. Mawalang-galang na rin po, kung wala kayong balak pag-usapan ang kinaroroonan ng aking anak, ay magsusumbong na'ko sa mga pulis para ipaalam ang mga nangyayari rito. Kanina pa'ko naweweirduhan sainyo," seryoso nitong wika na ikinagulat ko.

Ano ba'tong ginagawa ko?! May problema na nga'ng kinakaharap ang Academy tapos dadagdan ko pa?!

Alam kong ikaw si Mira na matalik kong kaibigan noon, kaya ako mismo ang tutuklas ng pagiging ganito mo ngayon.

Nang tinalikuran na niya kami, ay wala na'kong inaksayang panahon pa. Gamit ang aking copy Majicus ay kinopya ko ang grant ni Maria which is mind control. Tanda nito, ay ang kusang paghalo ng kaniyang grant aural sa'king sarili, but it's only visible for me.

Spell chanting is not required to me if I used that particular grant already, but when it's new to my majicus sphere, it is required as a sign of body magic adaptation. Nagamit ko na kase ang grant ng lahat ng kaibigan ko kaya, pamilyar na ang grant aural nila sa majicus sphere ng katawan.

Kakapitan pa lang sana ni Mira ang seradura ng pinto ngunit....

"Stop"

Usal ko habang nakatingin sakaniyang likuran, na nagpatigil ng kaniyang galaw.

"A-Anong nangyayari sa'kin?! Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko!" - Mira's Mind

From the telepath ability of Maria, ay narinig ko ang sinasabi ng maingay niyang isip.

Ayoko ng tagalan pa ang eksenang ito dahil gusto ko na talagang malaman ang katotohanan ng kaniyang paglimot sa'kin.

"Sleep"

In just one word, ay agad itong bumagsak. Mabuti na lamang at maagap si Blue, dahil agad itong nasalo ng kaniyang mga bisig.

"Anong ginawa mo Athena?! Are you insane!?" singhal sa'kin ni Maria.

"Oo nga sissy, bakit mo ginawa 'yon? Tapos niyakap mo pa! Magkakilala ba kayo?!" dagdag na tanong naman ni Fina

Imbes na sumagot sakanila, ay inutusan ko na lamang si blue, kandong-kandong pangkasal na si Mira, my long lost childhood bestfriend.

"Blue, pakihiga mo muna siya diyan sa couch pagkatapos ay gawan mo ng anti-senses barrier ang buong office dahil may importante tayong pag-uusapan about sa nangyayari sa mga anak natin, sa anak niya (sabay tingin kay Mira) at sa isa pang estudyante na walang nakakaalam kung saan nagmula. But before that, (tumingin kay Maria) Maria, let her mind sleep peacefully, and make sure na wala siyang maaalala about sa nangyari kanina. Ako na lang ang magpapaliwanag sakaniya ng lahat," seryoso kong turan sa mga kaibigan ko.

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now