TOH Chapter 45: Six Superior Siblings Part 1

608 56 4
                                    

Keith Ash POV✨

🧝

"Ehem!" rinig kong wika ng katabi ko na nagpamulat sa'kin. I think, the voice came from Eon kung hindi ako nagkakamali.

I'm still in the position of defending the batang Faith supposed to be however, hindi ito nangyari dahil here I am, niyayakap ng isang lalaking kilalang-kilala ko pala.

Nang masilayan ng aking mga mata ang paligid, ay iba't-ibang expression ng mukha ang sumalubong sa'kin na nagmumula sa aking mga kaibigan, sa mga SSC Members, sa dalawang nurse ng school, hanggang sa hindi pamilyar na mga mukha dahil ngayon ko lamang ito nakita.

Hindi ko alam ang unang gagawin dahil sa lalaking nakayakap sa'kin.

Hindi na ako komportable sa nagiging posisyon ko ngayon kung kaya't hinanap ng mga mata ko si Eon. Matagumpay ko naman itong nakita ngunit bago pa'ko makahingi ng tulong sakaniya, ay may lumapit sa'king harapan na isang lalaki habang nakatitig sa'king mga mata, kung kaya't napatitig na rin ako dahil tulad ng mga nauna naming pagkikita, ay nahuhumaling pa rin ako sa asul nitong mga mata.

Hindi ko na napansin ang paligid dahil sa nangyayari sa'kin. Pagkatapos kong maobserbahang muli ang kaniyang mga mata, ay kusang isinunod nito ang kaniyang labi.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa'king sarili. Imbes na pagtuunan ko ng pansin ang nanghihina kong katawan, ay nakuha ko pa talagang gawin ang bagay na'to!

Natigil na lamang ako sa pagkakatitig sakaniya nang tawaging-pansin ako ng isang boses habang kinakaway nito ang kaniyang dalawang kamay sa tapat ng aking mukha.

Wala na pala sa'king harapan si Ice at Kurt, kundi nasa magkabilang tabi ko ko na, at ang nagtatanong naman sa'kin ay si Nurse Heal habang nasa likod nito si Nurse Leo.

"Hey Ash! Are you okay? May nararamdaman ka bang kakaiba?" agarang tanong ni Nurse Heal sa'kin nang makuha nito ang aking pansin.

Hindi ko alam pero imbes na sumagot sa kaniyang katanungan, ay napili ko munang tingnan ang paligid. Nakita ko na nakangiting nakatingin sa'kin ang aking mga kaibigan. Nang mapadako ang aking paningin kay Faith, ay muling bumalik sa'king ala-ala ang huling pangyayari bago kami makabalik rito sa labas ng Forbidden Forest of N.


Hinang-hina ko itong nilapitan, pagkatapos ay mabilis na yinakap. I don't know kung anong nangyari sa'kin kung, bakit ko ginawa ang bagay na'yon pero my conscience want me to do it, because maybe, I'm guilty of leading his father to his death.

Naramdaman ko ang pagyakap din nito sa'kin. Hinang-hina na talaga ako kung kaya't bago pa man ako mawalan ng malay-tao, ay inusal ko muna ang isang salita na sa tingin ko'y kailangan kong sabihin sakaniya.

"Patawad!"

Huling salita bago ko maisara ang aking mga mata, at hinang-hinang lumagpak sa lupa. Ang huli ko na lamang na natatandaan ay may dalawang bisig na bumuhat sa'kin, at hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng mga 'yon.

✨✨✨✨✨

✨Aries Kurt POV✨

🤴

"Huy Pare! Napaghahalataan ka masyado oh! Naks naman!" rinig kong wika na may tonong pang-aasar sa'kin ni yelo.

Agad rin naman akong napabitaw sa pagkayakap kay Keith. Eh bakit ba?! I can't stop eh!

Nilingon ko ang mga tao sa paligid, at halos lamunin ako sa hiya dahil sa mga expressions ng mga ito, ngunit hindi ko ito pinahalata. Tss!

The Omnikinetic HeirWhere stories live. Discover now