Flight 41 - Dogleg

554 19 2
                                    

Dogleg

Dogleg or Dog-leg is the portion of a flight which does not lead directly to the destination or way point, followed to comply with established flight procedures, avoid possible dangers or bad weather areas, or delay time of arrival.

———

Exactly three weeks ang tinagal ng stay ko sa Iba. Deployment noong seventeenth last month, and today, seventh of September, ang last flight ko in completion of my PPL build-up time. Not to mention na apat na lamang kaming natitira sa Iba by then: ako, Nikki, Carina at Philipp.

A few days prior, pinalayas na rin kaagad 'yong ibang mga nakatapos. Just a day before yesterday ay dumating ang second half ng Batch Charlie 2019, kaya kailangan ma-vacant kaagad 'yong mga beds and rooms. Kahit ayaw pa ng iba na iwan kaming apat, sinabihan na lang namin sila na okay lang. After all, two lessons na lang din naman 'yong kulang namin, and priority na rin ng FOO namin na matapos kami.

Kaya kahapon ay binigyan kaming apat ng schedule. And due to some predicted unfavorable weather in the next few days, kinausap kaming girls ng FOO namin if willing kami magpa-RON sa Subic para lang matapos kaagad. After all, predicted na 'yong padating na bagyo will cancel most of the flights for the next two or three days. Since ayaw naman namin mag-stay sa Iba ng tatlong araw pa at most, tinake na lang din namin 'yong offer.

So, yesterday, binigyan kaming mga girls ng closing flights mula Iba. The lesson before PPL30 is a three-hour flight orientation kung saan ichecheck ng mga FI namin if pwede kaming i-release for solo cross-country, which is the last lesson. Unfortunately, due to the weather na banta, hindi kami mai-irelease for a solo flight, but more of a flight na kasama ang mga FI pero wala silang ibang gagawin kung hindi sumakay lang. In short, iparamdam sa amin na kahit katabi namin sila sa lipad ay hindi nila kami tutulungan at all. Unless, issues call on that involves weather mitigation.

Naiwan naman sa Iba si Philipp, samantalang kaming girls ay nagpa-RON sa Subic. After all, 'yong tatlong eroplano na dinala namin ay intentionally na iiwan namin ng Subic pagkatapos ng lipad namin ng PPL30. Since due to the weather, for parking and standby 'yong mga eroplano na gamit namin sa Subic, kung saan mas malaki ang hangar ng WAA compared sa Iba.

Nakakapagod, to be honest.

Since ang lipad namin for PPL29 was from 1400 until 1700. Hinintay pa naming tatlo 'yong mga upper namin na may mga lipad pa. And since until sunset ang operations ng Subic, mga 1830 na rin kami nakaalis ng airport, pinick up ng shuttle and drinop-off sa villa na tutuluyan namin for the night. Mabuti na lamang at malinis and maayos na may bedsheet cover, unan and blanket.

Medyo may misunderstanding lang with the shuttle driver since RON kami and wala kaming dinner at all, so mga 2000 pa kami na-pick up sa villa and naibaba sa Harbor Point upang makakain. Hindi na naman kami nagpahintay dahil na-message kami ni Carina ni Capt. Manalang, secondary FI namin during our pre-solo days, and siyang tinatawag ko na "Kuya", na siya na lang ang maghahatid sa amin pabalik ng villa. After all, may utang siya sa aming tatlo na Starbucks coffee na usapan namin in any case na ma-RON kami ng Subic. Since after a month ay nagkaroon na naman ng reshuffling and stick na siya ulit sa Subic dahil iyong station na ang gamit for CPL lessons and ang pre-solo ay siyang linipat sa Iba.

Tapos, early this morning ng last flight namin, nagkapatong-patong naman kaagad ang stress. First flight kaming tatlo. Mabuti na lamang at nakapagpapirma na kami sa mga FI namin at nasabihan na rin ng flight details para pagkatapos naming ma-pick up ng shuttle by 0530 ay diretso na kami sa terminal upang makapagpapirma sa pulis. And mapa-fax kaagad pagkadating ng office. Akala namin medyo chill na, but the weather is starting not to look good. Dahil nga may parating kasing bagyo. Pinagdarasal na lamang namin na for the first five hours is maganda pa ang weather condition para matapos na rin kami kaagad.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now