Flight 42 - For the Option

578 17 17
                                    

For the Option

Technically known as Option Approach, it permits a pilot the option to make a touch-and-go, low approach, missed approach, stop-and-go, or full stop landing. The Air Traffic Controller (ATC) gives the command of "Cleared for the option" that is really useful in training, especially if one is not sure what maneuver he's going to need. When ATC does give the pilot the option, the pilot should tell them their intentions as soon as he can, so they can plan on how to handle the traffic around.

———

"What happened?"

Iyon ang tanong na pinangarap ko na kahit kailangan ay hindi magagawang maitanong niya sa akin sa ganoong pagkakataon. Iyon ang tanong na sa panahong iyon ay hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Iyon ang tanong na maging ako ay nais ko rin malutasan.

Pero, iyon na. Naunahan na ako. Naitanong na kaagad sa akin, at hindi ko na nagawa pang makawala.

Awkward as it may be, sinabi ko sa kanya na maupo kami sa karatig na bench sa may tabing-dagat. Medyo malayo-layo sa pinakadagat kung saan nagsisipagtampisaw ang mga ka-batch namin. Dala-dala ang mga sarili naming bote ng alak ay naupo kami sa dalawang dulo. May makakaupo pang isa sa pagitan namin pero sa ngayon, kami lamang.

"Sorry," sinabi ko kaagad sa kanya pagkatapos namin maupo. Hindi ko siya tinitigan at tinuon ko ang atensyon ko sa palubog na araw habang ang mga daliri ko ay bahagyang tumatapik sa boteng hawak ko. "Kung naging pakiramdam mo na iniiwasan kita. Hindi ko lang talaga alam kung paano ka haharapin pagkatapos ng... nangyari noong Pinning." I gulped in hard. "Nakakahiya."

Hindi naman siya sumagot kaya nagpatuloy na lamang ako. After all, hindi naman sapat 'yong naging sagot ko para sa napakalalim niyang tanong sa akin. And alam ko sa sarili ko na ako talaga ang may kasalanan kung bakit kami naging ganito ka-awkward sa isa't isa.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula," I continued. "Or kung kailan ako naging seryoso, at natanggap ng sarili ko na ganoon na pala ang nararamdaman ko. Na sana, bago pa mauwi sa ganoon ang lahat, ay pinagsumikapan kong lumayo na lamang. Pero maging ako ay naguguluhan din. Hindi ko maintindihan kung bakit... bakit ganoon ka... bakit ganoon ang pakikitungo mo sa akin. Or baka, I am just seeing things too much? And hindi ka lang sa akin ganoon? Na ganoon rin ang turing mo sa iba pero binigyan ko ng mas malalim na kahulugan 'yong sa akin kaya... kaya ganoon?" Hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko kaya iniipit ko sa aking mga tuhod ang bote ng alak na hawak ko at kaagad na pinunasan ang mga luha ko. "I've assumed much. I've read too much between the lines of your actions. Alam ko naman na walang something, and it isn't your fault kung naging mabait ka sa akin. Ako ang nagbigay ng meaning beyond what you intended to. So, in short, wala ka talagang kasalanan kung bakit ako nagkaroon ng crush sa iyo. Kaya... Kaya nakakahiya na marinig mo sa akin ng ganoon lahat-lahat ng iyon." I brushed away my tears another time with the back of my hands. "I'm sorry."

It took a few moments bago siya nakapagsalita. Muntikan ko ng hindi siya marinig dahil sa hina ng boses niya, and it only made his words genuine.

He said, "I'm sorry. Totoo na narinig ko lahat ng sinabi mo back then. And it surprised me. Too much. Na maging ako ay nahihiya sa kung ano ba ang dapat kong isagot o maramdaman at that moment. Hindi ko inaasahan na sa ganoong way ko malalaman lahat-lahat ng iyon."

Bahagya akong napatawa. Biglang gumaan ang pakiramdam ko the very moment na nagawa kong sabihin sa kanya lahat. "Hindi ko naman kasi talaga sinasadya na umamin ng ganoon, eh. Binalak ko na, pero babawiin ko na sana kaso... narinig mo na rin lahat-lahat sa ganoong paraan."

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now