Flight 08 - Radio Check

754 34 4
                                    

Radio Check

Radio Check or Radio Test, before flight, is a wise action to ensure that your radios will transmit and receive properly. In order to do this, a standard procedure is followed for each radio requiring a test. The meaning of this scale is as follows:
Readibility Scale 1: Unreadable
Readibility Scale 2: Readable now and then
Readability Scale 3: Readable but with difficulty
Readibility Scale 4: Readable
Readibility Scale 5: Perfectly readable
To form the test, transmission should be as follows: Station, Ident, 'Radio Check'
Example:
"Whiskey Alpha, RP-C3446, Radio Check 1 2 3 4 5, how do you read?"
"3446, you're coming in by 4, Whiskey Alpha."

———

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Hinablot ko ang phone ko at tinignan ang oras pagkatapos patayin ang alarm. 0600H. Umayos naman ako ng higa sa kama at napansin na suot-suot ko pa rin ang damit ko kagabi; maging 'yong coat ni Venti Guy na pinahiram sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko piniling amuyin 'yong coat, inaasahang amoy alak o sigarilyo, pero amoy cologne. Hindi matapang, amoy cool water with a hint of a woody, aromatic scent. Parang spicy cardamon, sweet bergamot and soft lavender all at once.

Shit, bakit ko ba inaamoy itong coat niya? Gadh naman, Yumi.

Pero, iyon siguro ang sanhi kung bakit napaidlip ako kaagad. At hindi ko alam kung gaano katagal na oras na ang lumipas noong si Carina na mismo ang gumising sa akin.

Kumpara sa akin, mukhang nakapagpalit siya ng damit pangtulog kagabi. At mukhang hindi siya tinamaan ng hangover kahit sumusuka siya bago kami umalis ng bar. Ngayon, mas gising na gising pa siya sa akin. Pero, hindi pa siya naka-uniform, o maging basa ang buhok upang ipaalam sa akin kung nakaligo na siya. At anong oras na.

At nakatulog ulit ako!

She chuckles lightly. "Yumi, buti tinignan ko kung gising ka na."

"Anong oras na?" agad na tanong ko sa kanya bago ako biglang tumayo at nagsimulang kuhanin ang mga damit at towel ko para makaligo.

"Seven-thirty na," she says.

"Shit! Sorry! Hindi ako nagising kaagad."

"Ayos lang." She laughs. "Mabilis lang naman tayo maligo. Sige, mauna ka na."

Without any further ado, I head straight to the bathroom. To be honest, minadali ko na lang. Pero sinigurado kong kahit papaano ay nabanlawan ko ng maigi ang buhok ko mula sa shampoo at nasabon ng maayos ang katawan ko. Totoo na mabilis lang naman ako maligo kaya mga twenty minutes lamang ay tapos na ako; nakalabas ng banyo upang mag-ayos at magbihis sa sarili kong Ward, at dahil nga sa set-up ng dorm namin ay tinatawag na namin ni Carina ang mga sarili naming pwesto as such.

Habang nag-aayos at nagbibihis naman ako, panay vibrate at tunog ng cellphone ko. Apparently, noong tinignan ko ay puro notifications mula sa iba kung gising na ba ang lahat at kumusta ang iba. Nagtatanong kung anong dorm si ganito-ganyan upang mapuntahan at magising; at minemention ang iba upang tumulong sa pagtawag at pag-spam sa mga hindi pa nagrereply na gising na.

Since nasa CR ako kanina, napansin ko sa previous messages na nag-message na si Carina sa group chat na gising na kaming dalawa at nag-aayos na lang.

Hanggang sa matapos akong magbihis at hinihintay na lang matapos si Carina, hanggang sa makarating kami sa classroom na ang mga tao lamang na nandoon ay ang mga nag-dodorm dito sa WAA at 'yong mga hindi masyadong lasing... panay vibrate pa rin ng phone ko. At totoo, eight o'clock na at ang dami pang wala. Ang nasa classroom lamang pwera sa amin ni Carina ay si Spencer at Leo na pinuntahan na sa dorms sila Kael at Sage, sila Ange at Nikki na maagang umalis ng palihim kagabi, sila Charles at Axel na hindi masyadong nakainom, at si Vincent na 'di nga talaga sumasama sa mga anumang alok namin.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now