Flight 52 - Final Approach

661 21 7
                                    

Final Approach

Final Approach is a flight path in a direction along the extended center line of the runway on which a plane is about to land; or the last stage of an aircraft's descent before landing, from when it turns into line with the runway to the procedures immediately before it lands.

———

Right after the completion ng aming mga Instrument Rating training sa Laoag ay siyang mga si-uwian naman muna namin. After all, para magproceed ang training namin is kailangan muna namin makapag-CPL check ride para hindi sumobra ang oras namin na 200 hours, na siyang binayaran namin. Currently na nasa 185.9 hours ako and si Xav naman is 183.6 hours; and ang needed na reserve for CPL check ride is at least 2 to 3 hours. For the sake of hindi pagsobra and iwas additional na bayad ay napagdesisyunan namin, as a batch, na hintayin na lang muna ang mga check ride schedules namin, then after noon ay kumpletuhin ang mga matitirang oras for the 200th hour.

Madaming mga naka-pending na exams for us, to be honest. Aside sa CPL check ride ay naka-pending na rin ang request namin for the IR check ride. Mabuti na lamang at tapos na namin lahat ng Theoretical Knowledge Exam at ang kailangan na lamang namin aralin ay ang paghahanda para sa check ride. And medyo kabado ako with the CPL check ride, since naging chill lang ang PPL check ride ko kaya medyo nakakakaba if ipapagawa lahat ng check pilot this time. Though wala namang kailangan ikabahala since two days prior ng schedules namin ay may lipad pa kami with a check FI, magagawa pang ma-practice lahat; and sa Subic rin naman, so batak na batak na talaga kami with that airport.

Compared naman sa PPL and CPL check rides, IR check ride is to be done sa Clark. Sa ALSIM lang siya gagawin in whatever Instrument Meteorological Condition na gustuhin ng check pilot. Parang sa Airbus type rating din na sa Full Flight Simulator naman ginagawa.

Just two weeks after ng IR completion namin ay dumating ang schedule for our CPL check ride. Mabuti na lamang at na-assign ako for May 22, and si Xav ay for May 21. 'Yong iba naming ka-batch ay within the same days lang din, and 'yong iba naman ay for May 23. To be honest, we've both prayed na hindi tumapat ng May 23, at least; since yinaya ako ni Xav na umattend ng small birthday party para sa mama niya. Sa 24 pa naman, and right after ng party ay babalik kami ng Subic para lamang mapuno ang natitira pa para sa 200 hours.

Good thing is nakapasa naman kaming lahat with the CPL check; kaya good news ang baon namin sa birthday ng mama niya that had been a simple celebration lamang na naging relatives lang talaga nila and me. And in the following days after ay we've finally bid our farewells sa actual na pagpapalipad ng Cessna C172. After all, after the IR check ride sa sim, we'll be focusing then with the Airbus A320 training.

Gipit talaga ang schedule namin. Na right after namin makumpleto ang 200 hours ay siyang mga tungo naman namin sa Clark, since may schedule kami ng IR check ride just three days later. Kaya minabuti ko na right after my IR check ride ay siyang uwi ko sa Cavite para lamang makapag-prepare ng additional na gamit dahil magiging mahaba-haba na naman ang stay ko sa Clark.

Since stay sa Clark na naman ito ay napagplanuhan ko na mag-dorm na lang ulit sa WAA mismo, kaso, bago ko pa mabanggit kala Mama at Papa ay napag-alaman ko na naipagpaalam na ulit ako ni Xav sa kanila na I'll be staying with him sa condo niya, since may two spare bedrooms pa just like last time no'n sa RNAV and IR sim. Hindi naman ako tinanong if may iba pa kaming makakasama, dahil alam ko ay magiging kami lang; since 'yong mga iba naming ka-batch na dati ay nakituloy din sa condo niya noong simulator namin ay siyang balik sa mga dati nilang tinutuluyan during our ground school.

Naalala ko naman tuloy bigla 'yong naging chat ko kala Ange, Carina at Nikki sa nanatiling group chat na #TEAMNIKUMI a day before ako i-pick up ni Xav sa bahay namin.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now