Flight 39 - Negative

584 18 8
                                    

Negative

One of the standard phrases to use, whenever possible, which should be used in radiotelephony communications, Negative equates to "No".

———

Madali namang iwasan si Nikolai. After all, magkalayo nga ng tinutuluyan kaming mga girls sa kanilang mga boys. Another thing, hindi rin kami madalas pumupunta doon sa mga boys, since mas gugustuhin pa namin tumambay sa mga rooms namin dahil may wifi. Kaya kahit sinabi ni Nikki na gusto niya ma-try mamangka doon ay hindi niya pa nagagawa, since mas trip nila ni Carina na mag-marathon na lamang ng mga K-Drama. Ganoon din si Rylie, tinatamad pumunta doon; and si Ange naman ay si Kael ang bumibisita. In the end, madalas ay kaming mga girls ang magkakasama;minus si Ange na nakikipag-date kay Kael, or maging si Christine na binibisita naman dito sa Iba ni Sir JC.

Madalas naman ay kami nila Nikki and Carina ang magkakasama at ang nagkakayayaan. Naging part na ng schedule namin ang mag-brunch sa fastfood kapag ang isa sa amin ay may scheduled na flight. Kapag naman gabi ay ineexplore namin 'yong iba pang masasarap at murang kainan according sa binigay sa amin na notes ng mga upper namin. Minsan nagyayaya rin ang mga boys, pero bihira lamang. Since madalas ay maaga pa lamang ay nagdidinner na rin kaming tatlo.

Three days after pa namin dumating ng Iba ako at si Nikki nabigyan ng flight schedule. Si Carina mayroon din, pero for OBS lamang siya. My schedule on that day is with Capt. Cantillo. First and second flight na both three hours; 'yong first is as an OBS sa lipad nila ni Philipp, and 'yong second na si Nikki naman ang OBS ko. Third and closing flight na si Nikki, tapos si Carina ang OBS niya.

It might wonder others bakit kailangan pa namin magkaroon ulit ng observation flight. First of all, palyado na lahat ng recurrencies namin. The first hour ng flights will be a reintroduction ng mga natutunan namin during pre-solo days, minus the stalls and emergency procedures. More of like familiarization sa traffic pattern sa Iba and also radio communications sa isang uncontrolled aerodrome. Also, brief introduction na rin sa mga area out places; since majority ng mga lipad namin, especially after our PPL checkride, will be usually cross-country flights na and madalas solo. So, better start learning waypoints as early as possible.

Nalilito pa ako with the radio communications, first and foremost. Pagka-switch on pa lamang ng avionics switch and ng radio communications na kaagad ay naka-tune sa CTAF frequency, patong-patong na kaagad ang naririnig namin. May iba na wala naman sa area ng Iba, as far as Pangasinan area or Subic area ay naririnig din namin. Dito masusubukan ang hearing and attention talaga namin. To add, medyo iba rin ang takeoff and landing procedures dito dahil maiksi and makitid ang runway and 'yon nga, walang control tower para sabihin kung sino ang mag-laland and sino ang mag-tatakeoff. Kanya-kanyang reporting, and dasal-dasal na lahat kayong nakatutok sa frequency ay nakikinig para iwas aksidente.

During the OBS flight, nakikinig na rin ako sa mga tinuturo ni Capt. Cantillo. Especially 'yong mga waypoints. I take a photo of them para mapag-aralan ko, and makita 'yong difference, if ever mayroon, sa Google Earth. Medyo nakakalito 'yong traffic pattern also, but I think, masasanay din ako. Kailangan lang maibalik 'yong feeling ng lipad talaga before assuming na hindi kaya. For the OBS flight din, nakarating kami until sa may Eguia bago tuluyang bumalik.

Noong actual flight schedule ko na, kung saan pinalitan ko ang pwesto ni Philipp and si Nikki na ang naging OBS ko, hindi naman ako nakalimot sa start-up procedures. Sabi ko nga, best in start-up and taxiing na ako after ilang beses ko ma-cancel ang lipad during pre-solo days. Sa radio comms pa ako medyo nangangapa kahit nakahingi ako ng 'script' mula kay Josef Panlilio—Batch Charlie 2018 na ka-batch ko noong college—about sa comms sa Iba. And also, tinulungan pa rin naman din ako noong una ni Capt, kaya okay lang na hindi maging perfect lahat.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now