Flight 31 - Crosswind

572 22 32
                                    

Crosswind

Crosswind concerns wind conditions wherein the component of wind blows 90 degrees or perpendicular to the direction of the runway or of the flight path. Generally, winds blowing at 90 degrees to the runway's direction is known as "Direct Crosswind"; while winds blowing at 45 degrees is known as "Quartering Crosswind".
Since aircraft takeoffs and lands against the wind, crosswind takeoffs are almost not prescribed to be risky and crosswind landings are challenging since a pilot's skill is tested at such weather condition. A learned pilot will know that to counteract crosswind, he'll need to do "crabbing" or "side-slip procedures".
Crosswind can also be defined as the second leg of the traffic pattern as a flight path at right angles to the approach runway end of its upwind end.

———

Right after dinner ay sinimulan nila kaagad ang inuman. Time-check, eight in the evening and hindi pa nailalabas ang flight schedule for tomorrow, kaya malalakas pa ang loob ng lahat na uminom and sabihin na "Bottle to Throttle". After all, according sa Human Performance, 8 hours ang kailangan na pagitan mula sa last na inom ng alak bago ang flight; and the additional condition that pilots cannot have an alcohol concentration of 0.04% or more. Since wala namang nag-brebreath analyzer sa WAA bago ang lipad, dahil surprise visits lang daw iyon, ang tanging pag-asa is at least, ma-reach 'yong 8 hours na difference between inuman and lipad dahil sa 0.04% ay halatang bagsak na.

Ever since ang mga inuman sessions namin bilang magkakatropa sa condo ni Nikolai, nakasanayan na namin na imbis na magkanya-kanya ng baso ay gumamit na lamang ng iisang shot glass tapos pasa-pasa. Ganoon din naman ang ginawa namin ngayon kahit kasama namin ang mga yamanin sa batch. Kaya bago pa makaikot muli ang shot glass ay matagal-tagal, pero ayos lang. Nagpapatugtog naman sila ng music na sinasabayan ng mga mahilig kumanta sa amin, 'yong iba ay nag-vavape or IQOS, at hindi rin boring since may dala si Eli na pang-pulutan. And bago pa maubos ang nakahanda ay siyang luto rin naman niya at ni Nikolai ng bagong stock.

Himala na nga at nagkasya kaming lahat sa villa ng boys. Since compared sa villa namin na malaki-laki ang sala and dining, ang villa ng mga boys na ka-tropa namin ay medyo masikip. Gitgitan kaming mga girls sa sofa, habang ang mga naka-stay dito sa villa ay nakapalibot sa coffee table sa sala gamit ang mga upuan mula sa dining, and ang mga boys ng kabilang villa naman ay nakitabi sa upuan o umupo sa sahig. Next time siguro, kailangan na ng round table good for eighteen people.

Eighteen lang since si Erick is 'di naman nagsta-stay sa villa and si Vincent na dakilang KJ ng batch.

Salitan si Sage at Marcus sa pagtatagay sa shot glass. Kalahati ng shot glass na binibigay nila sa mga boys and quarter lamang kapag sa aming mga girls, pwera lang kay Rylie at Christine na silang mga batak. At ang una nilang ibinalandra ay ang Black Label. Yes, literal na sa isang shot lamang ay bagsak na kaming lahat sa breath analyzer.

Since medyo sensitive ako sa amoy ng sigarilyo ay mabuti na lamang at umupo ako sa may dulo ng sofa, kung saan napapagitnaan ako ng mga hindi naninigarilyo. Pero, kahit na, kapit na sa damit ko and iyon na rin ang siyang nagci-circulate na amoy sa loob ng villa kahit mahina ang aircon and binuksan nila ang sliding doors sa may dining. Yet, hindi ko maisisisi sa kanila kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob that night.

Kakaibang lakas ng loob ang tinaglay ko all of a sudden na siyang ikinagulat nilang lahat. Some sort of courage that flowed within me to accept a shot and reject the offer of a chaser. To the point na hinayaan ko lang 'yong mainit at mapait na lasa no'ng alak. And hindi lang sa unang beses. Pitong beses sa Black Label and lima sa Alfonso Light.

Nakapagbukas sila ng limang Black Label and tatlong Alfonso Light since nagsimula ang inuman ng eight ng gabi hanggang one... or two na ba iyon? Basta, ganoon katagal since nagkaroon pa ng short interlude na ang mga nagyoyosi ay nagkayayaan na magkaroon ng session break sa may balcony at ang natira lamang sa inuman session ay kaming mga hindi naninigarilyo.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Место, где живут истории. Откройте их для себя