Flight 15 - Triple Point

719 29 5
                                    

Triple Point

Triple point or the point of occlusion is the position where the occluded front meets the warm and cold fronts. As the cold front is moving faster than the warm front, the surface position of the cold front will eventually catch up with that of the warm front. When this occurs, we have an occlusion. What happens next depends on the temperatures of the air ahead of the warm front and behind the cold front.

———

The point na pinagresign si Eli as batch vice president is a big issue para sa amin. Apparently, that same night... or that moment, since madaling araw na kami umalis ng Wishing Well at nagsibalikan sa mga dorms and pinagstastayan namin, gumawa sila kaagad ng group chat sa FB. Group chat na kaming mga madalas magkakasama sa dinner plus Ange and Nikki ang nandoon. Wala si Christine o 'yong mga Pampanga boys, and si Charles and Axel; at lalong-lalo na wala si Vincent.

Importante sa amin ang batch vice president. Between sa rift na nagkaroon ng hatian, si Eli 'yong parang naging moderator. Part siya ng Pampanga boys na siyang malapit din sa amin. And it influences 'yong decision ng batch president. Also, hindi hanggang A320 ang training ni Christine, kagaya ni Leo at Cristofer. Hanggang Commercial Pilot License with Instrument Rating lang. So, after no'n and as we proceed on with the A320 training, 'yong batch vice president na ang papalit as president. And shet, maiinit na tsaa ang shinashare nila sa chat.

"High beam" kung tawagin nila sa chat. Dahil daw madilat ang mata. And apparently, nagsilabasan na sila ng mga sama ng loob; like may time raw na sumabay sa lunch nila si Spencer, and tumambay saglit sa dorm nila Charles and Axel. Umupo raw si Spencer sa may kama ni Charles since wala raw space, and bigla raw nagalit; pero kung si Christine raw ang humiga and all, okay lang daw. May time na sinabihan naman daw siyang 'bobo' ni Charles, ayon kay Zander. And the list goes on and on.

Ako naman, nandoon lang. Scroll and scroll habang lumabas lahat ng sama ng loob nila. Mukhang hindi lang ako ang nakikibasa lang. Ang mga nag-shashare lang is 'yong mga malalapit sa kanya sa pwesto sa classroom. Maging si Carina at Nikki may mga sari-sariling hinanakit.

Kami lang 'ata ni Ange and Nikolai ang wala. Though nag-share si Nikolai, in-depth ng napag-usapan nila ni Eli. That kaninang lunch, bago mag-exam sa EQC, pinagbitiw na siya sa pwesto. And matagal na pala plinaplano na iyon ang mangyari.

Well, wala namang kaso sa akin kung sino ang maging vice president and soon president, eh. But then, mas lalong walang magiging transparency, especially, sa galaw ng batch funds. Though hawak ni Axel ang pera, since wala na kaming "access" through Eli sa mga ganoong bagay, mas lalong magiging malabo kung saan napupunta ang pera. So, yeah, Batch Foxtrot 2018 is officially separated into two groups.

"Okay..." Kuya trails off at bahagyang tumango habang nakatitig pa rin ng maigi sa kalsada habang nag-dridrive. Tinanong niya ako kung kumusta ang naging celebration namin kaya iyon ang naikwento ko sa kanilang dalawa ni Ate Ella. Sila rin ang siyang sumundo sa akin ng umaga para hindi kami mahuli sa hinanda nilang celebration para sa birthday ni Moi at sa pagpasa ni Kuya sa board exam as topnotcher. "So... may hidwaan within sa batch niyo? Iyon ba 'yon?"

"Well, yes," I answer. "Sa pagkakaintindi ko. Apparently, gumawa pa nga sila ng bagong FB chat para kami-kami lang 'yong nandoon. If wala, 'di ba, dapat sa Viber group na ng batch namin sila nagsalita?"

"According sa mga sinabi mo nga, Phoebe, may problema nga," concludes ni Ate Ella. Speaking of a future full-pledged medical psychiatrist. Liningon niya ako mula sa passenger seat. "Pero hindi malaki para completely na mahati kayo. Hindi niyo pa naman pinag-uusapan as a batch, eh. So, mareresolve pa rin iyon."

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now