Flight 12 - Anti-authority

716 40 3
                                    

Anti-authority

One of the five hazardous attitudes, Anti-authority only means "Don't tell me!" in the event that we tend to rationalize the mistakes that we've committed that instead of ensuring safety only heightens the risk of danger. The antidote for such attitude is "Follow the Rules!"

———

Hindi ko alam bakit hindi applicable sa akin 'yong kapag kulang sa tulog ay aantukin. Ang sa akin ay, late matulog tapos kailangan na maagang magising, hindi ako aantukin. Kaya siguro kahit mga eleven na ako natulog at nagising ng mga two dahil ang call time is three, hindi ako dinadalaw ng antok. Actually, buhay na buhay ang diwa ko. Pero paglabas namin ni Carina ng dorm, unti-unti kong naramdaman 'yong lamig. Well, normal lang 'yon since magpapasko na and again, Angeles ito. Pero pinanindigan ko na hindi magdala ng jacket pa rin.

Noong dumating kami sa may reception, halos kumpleto na kami at para mabilis din makaalis, pinasakay na rin kami kaagad sa mga vans. Dalawang van lamang ang gagamitin namin as a batch patungong Diliman, kung saan ang main site ng NTC. Hinahabol kasi namin 'yong eight o'clock na call-time para sa exam kaya ito, maagang luluwas; breakfast din daw on the way.

Nagsama-sama kaming mga girls, pwera lamang kay Christine na sumakay sa kabila kasama 'yong mga yamanin na Pampanga boys and si Axel, Charles at si Vincent. Doon na rin sumama sila Spencer, Leo at Erick para pantay na tag-ten na cadets per van. Since wala pa naman 'yong iba ay pumwesto ako sa pinaka-likod ng van, hiwa-hiwalay kaming pumwesto ng mga girls. Ako at si Rylie ang naupo sa likuran, pero tag-isang dulo ng upuan. Dumating din si Kael na siyang umupo sa may tabi ni Ange. Ang tanging hinihintay na lamang namin ay sila Nikolai at 'yong tatlo na nakitulog sa condo niya.

Mga three minutes bago mag-three ay siyang dating na rin naman nila. Si Marcus ang siyang umupo katabi ng driver namin, at si Sage at Zander na in-occupy 'yong natitirang upuan sa may first and second row. And itong si Nikolai naman, napagdesisyunan na umupo sa pagitan namin ni Rylie. To be honest, sa tabi ko, since 'yong side ni Rylie na upuan is good for one. 'Yong iba na naunang kasama kong sumakay ay hindi na napansin 'yong pagdating ng iba dahil mga tulog na rin. Ako na lang 'ata ang gising kaya mahina akong binati ni Nikolai.

"Good morning, golubka," he says na may halatang ngiti sa kanyang mga labi.

I pout. "Good morning."

Tinanong kami ng driver if kumpleto na kami at nag-count-off naman muna si Sage, na siyang malapit sa pintuan at sinabi na ten kami. And with the ten sa kabila, kumpleto na twenty na kami.

"Hmm... Looks like wala ka na namang dalang jacket, ha," Nikolai mentions. Napansin ko na ito na naman siyang may suot-suot na coat. "Alam mong malamig na ngayon, 'di ba? Christmas season? Tapos madaling-araw and may aircon?"

"Mainit din naman mamaya paglabas natin kaya sayang lang din," I say.

"Naku talaga. Ang kulit." Dahan-dahan niyang tinanggal ang coat niya at ginawang kumot sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay sinigurado niyang sa akin talaga mananatili ang coat. "Ayan. Madali ka pa namang lamigin."

I sigh. "Lalabhan ko na naman ito dahil pinagamit mo ulit sa akin."

He laughs. "Eh 'di kukuhanin ko na naman 'yong ribbon mo bilang kapalit?"

"Mahilig ka ba sa ribbon? Bigyan na kaya kita ng isang rolyo?"

"At bigyan na rin kaya kita ng coat, ano? Para fair and square."

"Aba, ayoko nga. Hindi ko matatanggap 'yon since hindi ko naman birthday, wala namang tayo. Tapos panigurado mamahalin pa 'yong ibibigay mo. Mahihiya pa akong suotin 'yon sa mahal."

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now