Flight 45 - Half-Moon Principle

658 23 52
                                    

Half-Moon Principle

The Half-moon Principle is a rule that regards the cruising altitude for Visual Flight Rules (VFR). It is also known as the VFR cruising altitudes, since there are specific altitudes based on the aircraft's course in order to assist pilots in separating their aircraft while operating under visual flight above 3,000 ft above the surface (AGL) but below 18,000 ft mean sea level (MSL).
> On a magnetic course of 000-179 degrees, one shall fly at an odd thousand ft MSL altitude +500 feet (e.g., 3500, 5500 or 7500 ft)
> On a magnetic course of 180-359 degrees, one shall fly at an even thousand ft MSL altitude +500 feet (e.g., 4500, 6500 or 8500 ft)

———

Hindi lang ang batch Viber and ang #TEAMNIKUMI Messenger group ang nagkagulo sa post ni Nikolai. Maging 'yong pinaka-post mismo ay pinagkaguluhan ng mga followers niya. Mabuti na lamang at naka-private itong lalaking ito sa Instagram para hindi ganoon karami ang makisawsaw sa buhay niya, but it seems na lahat ng followers niya ay nakakita no'ng post and pinag-fiestahan iyon upang alamin talaga kung sino ang tinutukoy niya.

Hindi naman sila sinagot ni Nikolai. Pero nagkaroon naman ng assumption ang mga kabatch namin na ako raw ang tinutukoy. And hindi rin naman ako nagsalita since napagkasunduan naman namin na manatiling tikom ang bibig.

Mabuti na lamang at hindi rin nagtagal na iyon ang kailangan namin pag-usapan. After all, the following day ay nakatanggap kami ng message na we're all up for deployment para sa CPL training namin dahil 'yong mga private pilot licenses namin ay naipadala na raw sa WAA, all awaiting for pick-up namin bago ang tuluyang pagpunta sa mga stations.

For this time, hindi kami sama-sama na madedeploy sa iisang station. Ever since na nailipat ang Pre-solo trainings sa Iba, naging mixed-up na kung saan kami madedeploy. Apparently, may nakasaad na number of cadets ang open per station—six for Elyu, five for Iba, and seven for Subic. Each station allowed na dalawa ang girls para may kasama sa tutuluyan.

Napag-usapan namin kaagad ni Nikolai ang regarding doon. Of course, kahit hindi na iyon ang highlight ng nasa Viber group, dahil nga biglang nagkagulo ang lahat sa deployment na ito na needed na raw ASAP ng Operations Department, ay inuudyok nila na if talaga raw na kami na ni Nikolai ay for sure na we'll decide to choose the same station.

But... by no chance na ibubulgar namin ng ganoon kadali lamang iyon.

Tumigil naman kaagad ang pang-iintriga nila sa amin by the time na napagdesisyunan namin ni Nikolai na magkahiwalay. Napili ni Nikolai na sa La Union magpa-deploy; kasama niya sila Spencer, Sage, Axel, Rylie and Christine. Samantalang ako ay nag-decide na mag-Subic kasama naman sila Nikki, Marcus, Cristofer, Zander, Charles and Philipp. The rest ay nag-padeploy sa Iba.

Hindi naman sapilitan ang pagpili namin ng mga stations. May mga reasons kung bakit doon namin napili. Well, except para sa amin ni Nikolai na ginusto naming maghiwalay ng station. Like ni Christine na talagang taga-San Fernando, La Union, kaya instant choice na mapa-deploy doon; or 'di kaya nila Kael at Ange na basta magkasama sila; or nila Nikki at ng mga nag-Subic na kasama ko na mas madali makauwi mula Subic; or sila Sage na talagang napili na mapa-deploy naman sa ibang lugar; or 'yung mga nag-Iba na mas madali raw maka-build ng oras doon.

Pero kahit napili na namin ni Nikolai na madeploy kami sa magkaiba na station ay hindi pa rin naiwasan ng mga kabatch namin na tuksuhin kami at ungkatin talaga kung bakit ganoon ang naging desisyon namin. Pustahan na at hindi pa namin tuluyan sinasabi sa kanila ang totoo.

Kakaiba, sabi nila. Dahil napili raw namin maging LDR.

Well, hindi ko alam ang side ni Nikolai over the matter. But early on, no'ng napag-usapan namin ang regarding sa kung sasabihin ba namin sa iba or not, we've came to a mutual understanding not to. Huwag muna, and we have the reasons na kahit na-meet na kami ng mga families namin, it had been the direct family members only. Hindi pa no'ng extended family members, and it had been our plan to do that first.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum