Flight 14 - Confirm

771 30 9
                                    

Confirm

One of the standard phrases to use, whenever possible, which should be used in radiotelephony communications, Confirm equates to "Have I correctly received the following?" or "Did you correctly receive the message?"
Example:
"Tower, RP-C3446, number one on holding point runway 07, ready for departure. Request to make two touch and go before outbound. Destination Vigan."
"3446, confirm request for two touch and go before outbound for Vigan?"
"Affirm, 3446."

———

Surprisingly, naging madali (somehow) ang exam for EQC. Medyo namemorize ko ang mga numbers and kung ano ang pakiramdam ko na probable, iyon na lang din ang sinagot ko. Also, if may kakaibang number na mukha namang mali para sa akin, since hindi ko maalala na nakita ko 'yon sa pagrereview, ekis na kaagad. So, yes, I also do the elimination method. Naging bonus question naman ang pagsusulat ng pinamemorize na departure and approach briefing; and buti ang pinalista na emergency procedure is 'yong madali lang, like 'yong Engine Failure During Take-off Roll, Engine Failure In Flight (menos 'yong notes na kasama) and Wing Fire. Buti at hindi ditching ang hiningi or fire on ground. Hindi ko masyadong bihasa na maalala.

Maaga kami dinismiss. Three-thirty pa lamang and Sir Francis calls it quits. Apparently, sa lahat ng naging GI namin, si Sir Francis ang naging malapit sa amin; since senior niya si Rylie during college days. And now, senior na siya ni Rylie with flight training.

Either way, gaya ng napagdesisyunan namin, maghahanda kami ng dinner para sa mga naging ground school instructors namin. And ang in-assign ni Christine para maunang pumunta ng na-suggest na venue ng iba naming kabatch is 'yong Binulo Restaurant na within Clark lang din, bago lang makarating ng Friendship Highway.

Kasama ko si Carina, Nikki at Ange. Since six-thirty pa naman ang dinner, at si Ange and Nikki ay nag-stay lang muna saglit sa dorm namin ni Carina bilang pangpalipas ng oras, inagahan din namin ang pagpunta para makapag-order na rin. Pagdating namin sa restaurant ng mga one hour before, halata na for the whole evening, kami lang ang magiging bisita. It isn't like sasadyain pa siyang puntahan ng iba, since ang daming kainan sa Angeles, and konting kembot na lamang ay SM Clark na. And also, 'yong ambiance ng place it is so... for the rich?

Sinabi namin sa waiter na mga thirty kami at sinabi na we'll be occupying the two tables then. Binigyan din kami ng menu para makapili na nga rin, and noong tinignan ko ang presyo, gusto ko na kaagad mag-backout. Apparently, ganoon din ang naging reaction nila noong nakita ang price. So, kahit hindi naman ako umasa, tinanong ko kung good for how many ang servings ng each meal, and fuck, ayaw ko na.

Two to three servings lang daw ang each platter which costs six hundred pesos or even more. So, kung mag-oorder kami ng sisig, per se, which is good for a maximum of three, then there's roughly thirty of us, so ten orders. Since mga around six hundred pesos ang isa; yes, six thousand pesos kaagad just for one viand.

"Siguraduhin lang talaga nila na masarap dito, ha," Nikki mutters under her breath. "Sino ba kasi nag-suggest dito?"

Nagkibit kami ng balikat nila Ange at Carina, since hindi naman din namin talaga alam kung sino ang nagsabi na dito gawin ang dinner and kung talaga bang kailangan itong dinner na ito. Ang alam ko is tradition din 'yong ganitong dinner as thanks, pero for CPL ground schools pa 'ata iyon, and hindi for PPL. Oh well, nandito na. Gastos na naman na ishoshoulder ng batch fund namin... bago na naman kami ulit unahan ni Nikolai sa pagbabayad.

Tangina... kahit ba mayaman siya and walang pake sa pera, hindi namin kailangan maging dependent sa kanya. Magkano na 'yong ginagastos niya para sa mga expenses ng batch? And pera ng parents niya ang ginagastos niya, ano? Or sa kanya ba talaga?

Flight Plan (FLIGHT series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon