Flight 47 - Round-Robin Flight

595 23 23
                                    

Round-Robin Flight

Round-Robin Flight is when a pilot starts from airport A, go to airport B or more, and then return to airport A with a single flight plan. It is usually added under the part of the flight plan's "Other Information" part.

———

Preceded by: FLIGHT LEVEL Flight 1.46.5 - Affirm

———

Naging maingat kami ni Xav na wala ni isa sa amin o sa mga pamilya namin ang makakapag-share ng photos namin na magkasama. Not even some hint na umattend kami ng parehong event. In short, ang mga nagawa ko lamang i-post sa mga social media accounts ko were the things that involved 'yong debut ni Mads; and ang natatanging story na nagawa ko that involves my time with his family had been 'yong time na kasama ko ang mama and kapatid niya sa mall, but without any indication na sila ang mga kasama ko at that time.

Ganoon din naman si Xav. Ang nagawa niya lamang i-post had been contents that is related sa birthday ng papa niya. Hindi rin naman siya mahilig sa mga posts and stories kaya nagawa namin i-control ang kung ano ang dapat lamang malaman ng iba. Not to mention na pinaki-usapan din namin ang families namin to still be quiet about our relationship. Well, they agree on that, knowing the consequences that it will bring.

Kahit na si Xav din ang naghatid sa akin pabalik ng Subic, bago siya tumungo ng pa-Elyu, hindi naman magawang mahalata ng mga kasamahan ko sa Subic na siya ang naging kasama ko. After all, nasa lipad pa 'yong iba or 'di kaya ay nagsta-stay sa kani-kanilang mga villa; since hindi naman uso ang pag-gala namin at all kapag walang lipad. Ginagamit ang opportunity of rest days para talaga magpahinga and sulitin ang araw na walang kailangan problemahin na lipad.

On our second monthsary, binulabog na naman ulit kami ng mga ka-batch namin sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa amin. Or much more, kay Xav, since nag-post na naman ang lalaking ito ng panibagong painting sa IG featuring a couple. Like the last time, hindi halata kung kanino base ang facial features, and instead of 'yong girl lamang ang nakayakap, the man and woman in the painting do so this time. It is titled as "Un amour qui était plus que de l'amour".

"A love that was more than love." Naalala kong sabi sa akin ni Xav noong pinakita niya sa akin 'yong actual na painting na siyang half-way done pa lamang kagaya ng pinost niya. He said that the line is part of one of Edgar Allan Poe's greatest poem made, Annabel Lee.

The only thing that had been in the description, except for the very title, ay two bullet points. And that's it, instigating the curiosity of anyone who sees it.

But, as usual, hindi kami nagpaapekto sa kagustuhan nilang malaman kung ano talaga ang mayroon sa amin. Madalas naman namin napag-uusapan ang tungkol doon, since hindi lang naman sila ang curious. Maging 'yong mga chismoso naming mga flight instructors ay nagtatanong na rin tungkol doon, until a few days later na tinawagan ako ni Capt. Manalang if gusto ko raw ba pumunta ng Vigan and spend a stop-over doon.

Matagal ko na gusto gawin iyon, and pinangako niya sa akin na one day, kapag siya ang nakalipad ko, gagawin namin iyon. Along with the longer route kung saan mula Subic to Clark to La Union to Iba to Subic. Kaya noong sinabi niya na gagawan niya raw ng paraan para matupad 'yong Vigan trip na iyon, sinabi niya sa akin na cleared and accepted na ni Sir Bruce. That for tomorrow, Valentine's Day, iyon ang ilagay ko sa flight route namin.

ROUTE: RPLB-RPUQ-RPUS-RPLB
OTHER INFORMATION:
Cross-country.
Touch and go in RPUQ and RPUS.
Refuel in RPUS.
Round-robin flight.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now