Flight 17 - Zone Time

706 28 124
                                    

Zone Time

Zone Time was used to keep ships' time in synchronization with the periods of light and dark. It was based on the fact that the Sun transits 15 degrees in one hour. The datum for the Zone Time system was the Greenwich Meridian.
For the calculation to be remembered easier, the saying goes as: "Breakfast at Tiffany's (New York), Lunch in London, Tea in India" or "If it's midday in London, it's evening in the Far East and morning in the Wild West".

———

Thankfully at hindi madami ang tao sa Anchor's Bay, though may isang malaking grupo na ang nag-occupy ng mga mahahabang mesa malapit sa stage kung saan tumutugtog ang isang live band. Kami naman, since baka a quarter lang kami no'ng isang grupo na iyon, ay naupo malapit sa may entrance, sa may tabi ng mga kubo-style na lounge. Nandoon na ang iba at nakaupo na rin noong bumaba kami ng sasakyan ni Nikolai at siyang pasok naman sa open-space na bar and restaurant upang makita ang iba.

Dalawang magkatabing upuan sa pagitan ni Ange at Rylie ang open. Doon naman kami umupo: ako na katabi si Ange sa isang side at siya na katabi si Rylie. Dumating na rin kaagad 'yong inorder nilang dalawang bucket ng alak. 'Yong isa ay puro San Mig Apple and isang halong bucket ng Pale Pilsen at Red Horse. Nagdala rin ng mga baso, yelo, tubig at pulutang sisig and nachos 'yong waiter sa table. Hindi nagdalawang-isip na pagbuksan kami kaagad ni Sage at ni Rylie ng tag-iisang bote.

San Mig Apple ang siyang inabot sa aming mga girls, pwera kay Rylie na pinili ang Pale Pilsen. 'Yong boys naman, Pale Pilsen rin ang inuna; pwera kay Sir Francis na Red Horse.

"Oh, congrats sa batch niyo at natapos niyo na ang PPL ground school," bati ni Sir Francis sa amin noong ilinapit ang bote niya sa gitna upang makipag-cheers sa amin. "And congratulations sa performance kanina. Ang angas, ha!"

I mumble a 'thank you', kasabay ng malakas na pasasalamat ng iba. Bahagya kong ininom ang alak na hawak-hawak ko at masasabi ko na unti-unti na talaga akong nasasanay sa lasa. Pero, kagaya ng nakasanayan, wala akong balak na tuluyang magpakalasing.

"Sino ang nakaisip no'ng theme niyo? Medyo may pagka-Godfather ang dating," dagdag niya pa.

"Pinagbotohan namin, Francis," sagot ni Rylie. "Tapos tinuro ng mga ate ni Christine 'yong sayaw."

"'Di ba mga ate niya 'yong mga sikat na choreographers and vloggers sa Youtube?"

"Yes, sir. Sila nga rin nagprovide no'ng idea sa props. Mga cosplayers din pala," Marcus answers.

"Tapos si Madam 'yong nag-flying kaysa sumunod sa showbiz," Sage remarks, laughing.

Sir Francis joins in laughing at that. "Ganoon 'ata talaga. Hindi maiiwasan ang may isang black sheep sa pamilya. Ako rin naman. Sa pamilya namin na mga puro doktor, ako 'yong nag-flying. Ayos, 'di ba?"

Tinapik ni Rylie ang balikat ni Nikolai at sinabi, "Francis, itong si Nikolai ang pinakamalaking jump ang ginawa. From a multi-billion family of businessmen, nag-flying."

"Aba, baka naman may opening sa private planes niyo, Nikolai," giit ni Sir Francis. "Sayang ang gastos ng flying tapos walang trabaho."

Napangiti na lamang si Nikolai at mahinang sumagot, "Wala po, sir. Walang opening sa amin."

Hindi nagtagal ay nag-shift din 'yong pinaguusapan namin. Habang nag-iinuman ay nakikipagkwentuhan naman si Sir Francis. Naitanong niya naman kung nasaan ang iba naming ka-batch, at kaagad naman na nagsabi sila ng dahilan kung bakit. Sinabi namin na may mga sariling balak na nayaya ng mga upper, pero, sa totoo ay iyon nga—may kanya-kanyang grupo na pagdating sa klase. Sa huli, lumabas din ang katotohanan na iyon.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now