Flight 33 - Airborne

549 27 10
                                    

Airborne

Airborne simply means being in the air or off the ground. It is the point wherein the aircraft reached its necessary airspeed at a certain and acceptable takeoff configuration that allows it to gain power to be lifted off the ground. It is usually reported to the Tower or Radio the moment of airborne.
Example:
"Subic Tower, RP-C3446, airborne runway 07. Request to make left crosswind departure destination Iba."
"San Fernando Radio, RP-C3446, airborne runway 19."
"RP-C3446, airborne, 32-Iba. Will make straight-out departure destination San Fernando."

———

Since no'ng dinner na 'yon with Engr. Verano and after one inquiry mula kay Nikolai about what I'll be answering kung hindi lang ako na-interrupt, hindi na ako kinulit pa ni Nikolai tungkol doon. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero noong natapos sa call ang papa niya ay nagpaalam na rin siya sa amin, since may biglaang urgent meeting siya with foreign investors. Pero bago niya kami pakawalan ay kinausap niya saglit si Nikolai. And pagbalik naman ni Nikolai ay mukhang napagsabihan siya.

Sinabi niya sa amin na hindi dahil sa amin kaya ganoon. Pero, pakiramdam ko, dahil iyon sa akin. Kaya mas lalo akong kinabahan tungkol doon.

Five days after, with one more lesson with Capt. Manalang, napansin niya na i-stress pa rin ako sa naging dinner na iyon. Noong nakalipad ko ulit siya no'n just three days after, napansin niya na medyo nanglumo ako noong tinanong niya ako kung anong nangyari. Kahit masaya ako dahil nakapag-solo na rin si Vincent as second sa batch namin, and kahit siya 'yong batchmate namin na hindi namin feel ang prisensya, ay hindi ko pa rin maiwasang maitago 'yong kaba ko. Nadala ko tuloy hanggang lipad namin no'n. Kahit panget ang naging lipad namin, gano'n pa rin ang sakit ko na hindi maayos ang landing, ay pinasa pa rin ako ni Capt; katwiran niya ay may four lessons pa raw ako para maimprove ang sarili ko for first solo. However, just five days after no'ng dinner talaga na iyon, nabanggit ulit ni Nikolai na yinayaya kami ng family niya for dinner again right after his first solo.

After all, bukas na ang first solo niya. Pupunta raw ang parents niya with his younger sister to witness his first solo.

Kasabay niya magfi-first solo bukas si Axel, and kahit gustuhin ko man pumunta as support, hindi ako makakapunta since wala akong schedule ng lipad. Also, kakatapos ko lang mag-radio duty that day na proudly na na-irelease na siya for first solo check ni Capt. Tanyag. Since 'yong access pass namin sa Subic ay good for daily pass lang and strikto sa pagchecheck ang mga airport police regarding it, walang magagawa kung hindi ay magbayad ng access pass para makapunta sa flight line. However, hindi naman courtesy ng WAA 'yon kung wala kang schedule for that day.

Nakakapanglumo, to be honest, na hindi ako makakapunta. Apparently, hindi lang ako. Maging sila Ange at Carina. Sila Nikki and Rylie naman ay may lipad, samantalang si Christine ang isa sa mga naka-assign for radio duty that day kaya sila makakapunta. Sinabi ko naman iyon kaagad kay Nikolai at ayos lamang daw since ayaw niyang makita ko siyang buhusan ng kung ano man ang ihahalo ng mga ka-batch namin for the so-called "baptism" after solo, which is a rite of passage.

"Pero ayos lang na pumunta ang parents mo to witness it. 'Di ba sila madidiri?" I inquired pagkatapos ko malaman na nagawa ng kausapin ng parents niya si Sir Zion regarding sa access pass na gagamitin ng family niya.

He laughed. "Napanood nga nila 'yong kay Spence. And they understand naman na it is tradition. I don't think na mas magiging malala 'yong sa akin compared sa first soloist natin."

Okay, I remember that... Kahit wala pa talaga akong nawiwitness na baptism ng mga ka-batch ko since wala ako noong first solo ni Spencer and nasa lipad ako noong first solo naman ni Vincent, mababait naman ang mga ka-batch namin to control our batch IG and i-story kung ano ang mga hinahalo nilang pangbuhos sa mga magfi-first solo.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now