Flight 21 - Adverse Yaw

762 34 123
                                    

Adverse Yaw

The ailerons produce a rolling moment by increasing the lift on one wing and decreasing it on the other, causing then the increased lift on the up-going wing to give an increase in the induced drag, whereas the reduced lift on the down-going wing gives a decrease in induced drag. The difference in drag on the two wings produces a yawning moment which is opposite to the rolling moment, that is, a roll to the left produces a yawing moment to the right which is known as the adverse aileron yaw.

———

Ever since ng kamatayan ni Dmitri Xerxes Verano, ang inaasahang tagapagmana ng multi-billionaire conglomerate na Verano Group of Companies and kuya ni Nikolai, medyo naging mahigpit ang security involving Nikolai. Though the Monday after no'ng funeral is bumalik na sa routine namin ang kumain sa labas as a batch during lunch and dinner sa condo ni Nikolai, hindi nagbago ang security protocol na nakabuntot sa kanya simula ng insidente.

Kapag kumakain kami sa labas, may mga nakakakilala kay Nikolai after maging public ang image niya as part of one of the richest families in the Philippines. Since 'di naman artista si Nikolai, hindi siya required to accept autographs or even pictures; and even bago pa mauwi sa ganoon ay siyang singit kaagad ng mga bodyguards niya. Though ang madalas na nangyayari is they keep a relative distance away kay Nikolai as per his request.

Hindi ko na rin nakikita 'yong pulang Audi niya. Hatid-sundo pa rin siya ng mga bodyguards niya everywhere he goes. Ang additional na change nga lang, or back to the old habit, is 'yong pagsabay ko kay Nikolai. And kung awkward na kaming magkasama kung siya 'yong nagdridrive, mas awkward ngayon na may kasama kaming driver niya and si Ron na siyang bodyguard niya.

And this action na ginagawa ni Nikolai, especially towards me, had caused questions mula sa mga ka-batch namin and maging sa mga GIs namin na nalaman 'yong ganoong routine. But for publicity's sake, hindi nila kami diretsong tinatanong. Or 'di kaya tinatanong ng pareho kaming present or in public. Madalas, mga pasimpleng hint na gusto nila malaman, or 'yong mga members ng #TEAMNIKUMI sa Messenger chat na makulit na nagtatanong sa akin if may namamagitan ba sa amin.

And kagaya noong una, hindi nagbabago ang sagot ko na walang namamagitan sa amin. Walang something. In short, walang label. True na malapit kami sa isa't isa, and it is weird para sa iba na makita kaming ganoon, but wala namang aminan na nangyayari between me and Nikolai. Baka may mga actions siya na subtle hints, at may mga sinasabi na magbigay ng clue; pero in all honesty, wala 'yong tanong na "Pwede ba kitang ligawan?" or 'di kaya ang mga katagang "I like you."

Everytime na binibigyan nila ng ibang meaning ang lahat ng nangyayari between me and Nikolai, inaalala ko na lang ang totoong rason kung bakit ako nasa WAA. Ang initial and still top priority ko dito is to be a pilot. Call me prude and all, but career muna. Saka na love life. Kapag dumating man siya, along the way, well, doon na lang natin alamin.

Tuesday evening ay sinabihan kami ni Nikolai na uuwi raw siya ng Wednesday. So, medyo nahihiya kaming pumunta sa condo niya just for dinner on that evening. And kahit pinipilit niya kami ay naging mapilit din kami na sa labas na lamang kami kakain, and it turns out na sa may Cusina de Parilla kami napapunta. Kumpleto kaming mga nakikikain ng dinner kay Nikolai at napag-usap-usapan na trending daw sa Facebook and Twitter ang mga Verano at ang VGC ulit.

'Yong mga laman ng tweets is puro news na birthday pala ng papa ni Nikolai today. Kaya pala siya "umuwi". Well, hindi ng Bulacan, but ng Makati. And to be honest, hindi lang simpleng birthday ang naganap, since sa Grand Ballroom ng Alethea Makati pa ang event. Well, it is no longer surprising na magaganap ang isang event as such sa hotel na pagmamay-ari nila. And of course, since nasa balita, hindi naman naiwasan na mag-trend ang issue if maglalabas na ba ng official statement regarding sa kung sino ang magiging bagong tagapagmana. Apparently, kahit din sa news, sinabi na it had been a formal cocktail party.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now