Flight 27 - Taxiing

683 23 23
                                    

Taxiing

Taxiing is the movement of an aircraft on the ground, under its own power, in contrast to towing or push-back where the aircraft is moved by a tug. Even this movement of aircraft on ground is controlled by instructions on the ramp area and taxiways to reach or exit the active runway.
Usually, in large airports, taxi instructions are given by the Ground Control. In smaller airports that do not have a Ground Control, the Tower itself could give instructions, or at the lack of a tower could be of pilot's discretion.
Example: (for departure)
"Subic Tower, RP-C3446, on Southwest Ramp, request taxi instructions to the active."
"3446, taxi Charlie to holding point runway 07."
"Taxi Charlie to holding point runway 07, 3446."
Example: (after landing)
"3446, landed runway 25. Request taxi instructions back to Southwest Ramp."
"3446, exit via left Foxtrot, right Charlie to Southwest Ramp."
"Exit via left Foxtrot, right Charlie to Southwest Ramp, 3446."

———

To be honest, pwera sa pagpapapirma sa pulis, which is nasa main terminal pa ng airport, ay tinulungan pa ako ni Capt. Corpuz. Tinuruan niya ako sa pag-gamit ng fax at maging sa pag-tawag sa Tower upang i-confirm if na-receive nila ang flight plan na finile namin. Pagkatapos no'n ay pinakuha na sa akin ni Capt ang mga gamit ko—kneeboard na may mga checklist, headset, pen and paper. Kinuha rin namin ang released na AMTL ng eroplano namin: RP-C3445; maging isang empty drain bottle. Hindi naman kami nakakuha ng dipstick since nasa hiraman na raw ng mga nauna sa amin for 360 inspection. Tinuruan niya rin ako no'ng pinaiksing 360 compared sa nasa checklist. Walang pinagkaiba sa tinuro rin ni Capt. Ponferrada, at may mga paalala sa akin na i-check 'yong mga screws and nuts ng flaps and ailerons, siguraduhin na walang nakabara or naka-cover sa pitot tube at sa static port, 'yong mga ilaw na dapat ay hindi pundido, sipain ko raw ng malakas 'yong gulong at tignan if may leakage sa hydraulics ng brakes, silipin daw ang engine inlets, ipa-check daw sa mechanic ang oil lalo na if di ako first flight since mainit daw iyon at baka mapaso pa ako, siguraduhin na lahat ng strings sa elevators and rudder ay walang pigtal, nakasaradong maigi ang baggage compartment, tanungin sa mechanic if okay lang ba 'yong ibang nawawala na bolt sa airframe mismo, and mahigpit na nakasarado ang cover ng sa fuel at baka habang lumilipad ay biglang matanggal at umulan ng gasolina.

Surprisingly, approachable si Capt. Corpuz. Hindi siya nag-eexpect ng too much sa akin. Siguro dahil first flight ko pa lang ito and primary ko siya na sisiguraduhin niya na magkaroon kami ng working environment para ma-release kaagad ako for first solo. Kaya noong medyo nangangapa pa ako sa engine start-up ay hindi niya ako pinagmamadali. Sinabihan niya lamang ako na sa mga handflows ay dapat magawa kong mai-memorize since kaya sila tinawag na handflow ay hindi na kailangan tignan sa checklist, since immediately na kailangan silang gawin.

Simple pa ang mga una niyang tanong. Like, ano raw ang mga ilalagay naming frequencies for our Comm 1 and 2: Subic Tower and Whiskey Alpha frequencies; and sa mga standby frequencies: CTAF and Emergency frequencies; and ano raw ang elevation ng Subic: 64 ft; and runway orientation: 07 and 25; and maging dictation ng takeoff briefing.

As part ng first flight ay ang airport familiarization. Pina-testing na sa akin ni Capt ang communications. 'Yong mga basic na madaling i-reply back like 'yong radio check and off-block time with Whiskey Alpha, and initial call sa Tower. But for other requests such as for airport familiarization and others, si Capt na ang nag-handle muna since medyo mabilis ang binibigay na info na nagugulantang ako. So bago kami mag-proceed for takeoff and gawin ang mga nakasulat na "Airworks. 3000'. Morong and Bagac" mula sa flight plan namin ay tinignan niya ang taxiing skills ko down Taxiway Charlie patungo sa dulo ng runway 25. Tinatanong niya ako if alam ko ang mga taxiways connecting the main runway sa current taxiway namin which are the exit and entry points to the runway, and mabuti na lang at alphabetical order naman ang pagkakapangalan sa taxiways Delta hanggang Hotel mula Runway 07 hanggang Runway 25, and ang nahiwalay na Taxiway India which is connected sa Taxiway Charlie pababa ng Boton Ramp. Pagka-abeam namin sa Taxiway Hotel ay umikot kami sa may southeast ramp, sa may terminal building, pabalik upang mag-taxi to holding point runway 07, which is the current active runway.

Flight Plan (FLIGHT series #01)Where stories live. Discover now