CHAPTER 34

1.1K 66 0
                                    

UNTI-UNTIng iminulat ni Michael ang mga mata at naramdaman na may mabigat na naka dagan sa kanya. Medyo nahihilo pa siya dahil sa naparami rin ang inom nila kagabi. Nang tuluyan nang naka mulat si Michael ay makita niya si Allen na naka dagan ang isang paa at nakayakap sa kanya.

Napatingin naman siya sa gilid niya at nakitang na tulog pa sina Clark, Axcel at Keith. Ang paa ni Clark ay nasa dibdib ni Axcel samantalang si Keith naman ay naka higa sa pagitan ng mga hita ni Axcel. Napailing na lamang siya sa posisyon ng tatlo.

Napakunot naman ang noo ni Michael nang mapansin na wala si Afro. Bumangon si Michael sa pag kakahiga at dahan-dahang inalis ang paa ni Allen sa kanya saka tumayo na.


"Argh, sakit ng ulo ko."

Napangiwi si Michael nang makita ang napakaraming kalat na cans at balat ng chips. Hindi na nila namalayan kagabi na sa sala na sila nakatulog. Mabuti na lamang at may latag na carpet.


Umalis muna si Michael roon at nag punta sa banyo para mag cr at mag hilamos na rin. Pag katapos ni Michael ay nag tungo siya sa kusina at nakita ang isang babae na medyo may kaedaran na. Nakita niyang nag luluto ito.


"Ijo, ang aga mo yatang nagising?" sambit ng matanda sa kanya.

"Nasanay na po. Teka ako po si Michael."

"Manang Koring na lang ijo. Sandali gusto mo na bang kumain nitong soup? Para mawala ang hilo mo."

Tumango si Michael, medyo kumakalam na rin kasi ang sikmura niya at hindi naman siya sigurado kung anong oras magigising ang mga kasama.


"Dito po kayo nag sstay?"

"Hindi, pumupunta lamang ako rito linggo-linggo para mag linis. Nalaman ko rin lang na uuwi rito si Keith kaya pumunta ako kaninang madaling araw."

"Teka po, may isa pa po kaming kasama kaso wala na po siya dito. Nakita niyo ho ba nung umalis siya?"

Napatigil naman ang matanda at tila nag isip. "Parang may nakita akong kotse na lumabas kanina, siguro ay may sumundo sa kanya."

Napatango na lang si Michael at nag umpisang kainin ang soup na nilapag ng matanda.



KUMIKIROT ang ulong nagising si Allen. Bumangon siya at tiningnan ang tabi niya at nag taka ng makitang wala si Michael, samantalang nakita naman niya sina Axcel, Clark at Keith na tulog pa rin. Pag tingin niya sa paligid ay wala na ang mga kalat na cans at balat ng chips. Tumayo na siya at nakita si Michael na nakatayo malapit sa bintana.

Lalapitan na sana niya ang binata ng maisip na hindi pa siya nag toothbrush at nag hihilamos kaya nag punta muna siya sa banyo.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na si Allen kayat lumabas na siya sa banyo ay nilapitan si Michael.

"Hey babe"

Napalingon naman sa kanya si Michael at agad siyang nginitian. "Masakit ulo mo?"

"A bit."

"Tara sa kusina, humigop ka ng soup para mawala." tumango naman si Allen sa binata at nag tungo na sila sa kusina. Pinag mamasdan lamang ni Allen si Michael habang sumasandok ng soup. Nang matapos na ito ay inalapag niya na ang soup sa harap ni Allen.

"Kain na"

"Thank you, did you made this?"


Umiling naman si Michael. "Nope, si Manang Koring ang may gawa niyan. Katiwala nitong penthouse nila Keith."

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now