CHAPTER 38

1.2K 65 0
                                    

"Damn, I missed you"

Agad na sambit ni Allen at niyakap si Michael nang pumasok ito sa kanyang kwarto. Kararating lang nito mula sa byahe galing sa Batangas at agad itong dumertso sa kwarto niya matapos ilagay ang gamit.

"Halata nga..." tawang sambit ni Michael dahil sa higpit ng yakap ni Allen.

"I bet you're tired. Rest first." sambit ni Allen at humalik sa noo ni Michael.


"Sige, mamaya nalang ulit." Sambit ni Michael. Tumango sa kanya si Allen kaya lumabas na siya sa kwarto.


Napangiti naman si Allen at bumalik na sa kanyang kama. Masaya siya na naka balik na si Michael. Bukas ay simula ng muli ang klase at hindi na siya makapag hintay.




HUMINGA ng malalim si Michael saktong pag kahiga niya sa kama at tumitig sa kisame. Nangalay ang likod at braso niya sa bus dahil sa haba ng byahe.


Napangiti siya ng ma alala ang pag yakap sa kanya ni Allen kanina na halatang miss na miss siya kahit dalawang araw lamang siyang nawala.





Mabilis na lumipas ang mag hapong iyon at ngayon ay dala-dala na ni Michael ang tray ng dinner nila ni Allen. Paakyat na siya sa hagdanan ngunit natigil sa pag lakad nang makita si Hazel. Nakangiti ang dalaga sa kanya.

"I'm glad, you're back" sambit ni Hazel. Ilang na napangiti si Michael at hindi alam ang sasabihin sa dalaga. "Haha, well...its nice to see you here again. All is probably waiting on his room for the food so you should get going."

"Thank you Ms. Hazel. Its nice to see you again din po." sambit ni Michael at nag patuloy na sa pag lalakad.


Tila naka hinga si Michael ng naluwag nang makalampas na kay Hazel. Para siyang na suffocate ng ilang minuto sa hindi malamang dahilan. Noong nalaman niya ang ginawa at mga sinabi noon ni Hazel kay Allen ay parang nag iba ang tingin niya sa dalaga. Ngunit, noong narinig niya naman ang usapan nila Hazel at Kurt ay napalitan iyon ng awa.

Masakit sa kanya na malaman na ikakasal si Allen kay Hazel. Pero parang mas masakit yata yung ikakasal ka sa taong hindi mo naman mahal at yung taong tumutulak sayo sa desisyong iyon ay yung mismong taong mahal mo. Napaka kumplekado ng lahat para kay Michael, hindi na niya malaman kung ano bang dapat gawin at sa tuwing iniisip niya na ikakasal na nga si Allen sa iba ay nabablangko lamang ang isip niya.


"Are you just going to stand there forever?"


Napakurap si Michael nang marinig ang boses ni Allen. Naka kunot ang noo nito at nakasandal sa kanto ng pinto.


"Sorry..." pilit na ngumiti si Michael at pumasok na sa loob ng kwarto at ibinaba ang tray sa lamesa.

"What are you thinking?"

Napalingon si Michael kay Allen. "Ha?"

"Hmm? I know something's bothering you. Care to tell me?" ngiting tanong ni Allen.


"Wala naman mahalaga, iniisip ko lang kung kailan uli ako makakabalik sa probinsiya." sambit ni Michael, its not totally a lie tho.


Kita ni Michael kung paano napawi ang ngiti ni Allen. "Why?"


"Anong why? Syempre nami-miss ko na agad ang pamilya ko." sagot ni Michael. Tila naman nag iba ang mood ni Allen.

"Don't you want to stay here with me?" tanong ni Allen.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now