CHAPTER 43

1.3K 75 24
                                    

"Anlapit na mag Christmas break 'no?"

Naka halumbabang sambit ni Keith habang sumusubo ng chips. Napatango naman sina Michael.

"Oo nga e" sambit ni Michael habang malayo ang tingin.

"Nakaka panibago pa rin talaga 'no? Kapag wala sa mesa si Allen." sambit ni Afro.

"True, even though he is just silent" sambit ni Clark.

"How is he doing though?" tanong ni Axcel.


"Actually, kahit nasa iisang mansion kami ay hindi kami nag kikita. Binawalan ako ni Sir Hanz na lumapit manlang sa kwarto niya, hindi rin naman siya lumalabas." mahinang sambit ni Michael. "Lalo na siguro pag  naka alis na talaga ako"


"Tungkol diyan, may malilipatan ka na ba sakali kapag ka balik mo rito sa Manila after New year?" tanong ni Keith.

"Wala pa nga eh. Baka mag rent nalang ako sa apartment malapit dito sa University." sagot ni Michael.

"You can just stay on my unit." sambit ni Clark.


"Oo nga, siya lang rin naman mag isa dun." sambit ni Axcel.


"Nakakahiya naman." sambit ni Michael.


"Don't be, we're friends right?" sambit naman ni Clark. "If you worry about the food and other expenses then we can share with that."


Napa tango tango naman si Michael. Maganda ang offer ni Clark. Libre siyang makaka tira pero mag hahati sila sa gastusin. Ayos! "Sige."


"Ayan problem solve kana Michael." sambit ni Afro.


"Gusto ko sana mag ka Christmas party tayong anim, kaso wala naman si Allen." sambit ni Keith.


"Oo nga e, parang ang unfair naman kung tayo tayo lang diba?" sang ayon ni Afro.


Napa buntong hininga naman si Michael. Kahit siya alam niyang hindi siya magiging masaya kung mag paparty sila ng hindi naman kasama si Allen.

"We can just party once its all over." sambit ni Axcel.


"I agree. Let's just be positive that it will happen soon." sambit ni Clark.


"Oo nga!"






KINAHAPUNAN pag karating ni Michael sa mansion galing school ay nag deretso na siya sa kwarto para mag bihis. Nang may mahagip na paper bag ang paningin niya. Napa buntong hininga siya at kinuha ito saka kinuha ang kahon sa loob, naroon ang isang pares ng sapatos.

Na aalala pa ni Michael noong isang beses na nag punta sila sa Mall. Tanda niya pa kung gaano ka gusto ni Allen na mabili ito para sa kanilang dalawa pero hindi siya pumayag. Kaya naman noong bigyan siya ng ideya ni Kate kung ano ang dapat niyang gawin o ibigay sa monthsarry nila ay ito ang naisip niya. Bumili siya ng dalawang pares ng sapatos kapareho nung nakita nila sa mall. Dalawang pares ang binili niya para tig isa sila ni Allen. Couple shoes kumbaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naibibigay ang isa kay Allen dahil hindi siya makahanap ng tyempo. Hindi pa naman sila uli nag kakausap ni Kate kaya hindi niya maipabigay kay Allen.

Tinakpan ni Michael ang kahon at muling inilagay sa loob ng paper bag saka ibinalik sa pinag kunan niya. Bago siya umalis sa mansion ay kailangan niyang maibigay ito kay Allen.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now