CHAPTER 28

1.3K 82 9
                                    

"Hoy Michael!"


Napakurap si Michael at napatingin sa tabi niya. Nakita niya si Mira na nag tatakang nakatingin sa kanya. Agad namang nanlaki ang mata niya nang mag sink in sa utak na halos malunod na ang halaman.


"Shit, shit!" agad niyang pinatay ang hose.

"Ayan tulala ka kasi!" untag ni Mira."Ano ba kasi yang iniisip mo at tulala ka naman huh?"

"Tungkol sa school lang..."

Naningkit naman ang mata ni Mira sa kanya. "Uloks! 'Wag ako Michael, kilala na kita."


"Sa school nga lang...alam mo naman two weeks nalang at First Term exam na."


Napa tango tango naman ang dalaga. "Ganun, sige. Basta pag may problema ka sabihin mo sakin ha?"

tumango naman si Michael at ngumisi. "Oo 'nay!"


Napailing lang si Mira at umalis na sa garden. Napa buntong hininga naman si Michael. Ilang araw na ang naka lipas mula nung makita niyang mag kayakap sina Allen at Hazel sa kwarto. Gustuhin man niyang mag tanong kay Allen ay pinipigilan niya ang sarili sa takot na baka masaktan siya sa kung anong isasagot ng binata.


Wala namang pinag bago ang pakikitungo sa kanya ni Allen sa mga nag daang araw. Clingy pa din 'to at hindi nawawala ang mga sweet na linyahan. Kinabukasan rin ng araw na iyon ay pumasok na rin si Allen. Mag kakasabay pa nga silang tatlo nila Hazel. Sa sasakyan ay hindi nag uusap ang dalawa ni Allen at Hazel na ipinag taka ni Michael dahil akala niya ay maayos na ang dalawa matapos makitang mag kayakap. Hindi pa rin siya nag tanong tungkol doon. Pero tila ba si Michael na lamang ang nag iisip na mayroon pang namamagitan sa dalawa nina Allen at Hazel.


At sa mga nag daang araw ay maraming tanong sa isipan ni Michael. Kagaya ng, kung nag tanong ba ako kay Kian ay sasagutin niya ako? Ayos na kaya silang dalawa? May nararamdaman pa ba si Kian sa kanya? hindi niya kayang tanungin 'yon kay Allen dahil natatakot siya na baka isagot sa kanya ng binata ay 'oo' pero paano kung hindi na pala?


Napabuntong hininga si Michael at nilikom na ang hose na ginamit niya sa pag didilig. Na alala niya na maya-maya ay kailangan pa niyang mag handa para sa pag pasok sa part time job niya.


"Michael, eto na breakfast ni Sir Allen." tumango naman si Michael at kinuha na ang tray kay Mira.


"Sige"

Pa alis na sana si Michael sa kusina nang makita si Hazel na naka tayo sa pinto ng kusina.

"May kailangan po kayo Ma'am?" Mira asked behind Michael.

"Ahm, I heard that, that's All's breakfast. Pwedeng ako nalang ako mag dala?" sambit ng dalaga at ngumiti. Napatingin si Michael kay Mira na nasa likod at nag kibit-balikat lamang ito.

"Sigurado kayo Ma'am ? Baka mahirapan kayong umakyat sa hagdanan." Michael asked trying to sound polite.


"Yeah!" sagot ng dalaga. "Besides, I used to do it when I was staying here years ago."


Tumango na lamang si Michael at inabot na ang tray sa dalaga. Wala naman siyang magagawa at request 'yun ng bisita ng amo niya. Nang maka alis si Hazel sa kusina dala ang tray ay bumagsak ang balikat ni Michael at napayuko.


Pakiramdam niya ay na agawan siya ng karapatan. Exagg man pero yung talaga ang nararamdaman niya. Ang pag dadala ng pag kain ni Allen tuwing umaga at gabi ay nakasanayan na niya. At ngayon na si Hazel ang gumawa niyon ay para bang nalungkot siya tapos ay nalaman pa niyang ang dalaga ang dating gumagawa noon.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon