CHAPTER 4

2.6K 154 21
                                    

     
NGAYON NA ang araw na pinaka hihintay ni Michael. Ang unang araw ng pasok sa school. Hindi na siya maka hintay. Ang simula ng klase niya ay 8 am. 6:30 ang kasalukuyang oras ngayon. Kailangan niyang sumakay sa jeep ng kalahating oras papunta sa school, pero ngayon kailangan mas ma aga siya dahil sa orientation.
     

Napatigil sa pag lalakad si Michael nang makita si Allen na bumaba sa hagdan. Nakatingin sa kanya ang binata.
  

"Are you going to school now?"tumango si Michael. "Good luck for your first day" simpleng mga salita ni Allen pero napaka laki ng epekto sa kanya. Ngayon ay good mood na talaga siya.

"See you later sir"

Matapos nilang manood ng movie isang linggo na ang nakaka lipas ay mas naging malapit sila sa isat-isa pero syempre hindi maiiwasan ang pabago-bagong mood ni Allen, ayos lang naman ito kay Michael kahit pa minsan ay nasasaktan siya ni Allen sa tuwing nag wawala ito. Ang ganitong mood ni Allen ay laging nangyayari sa tuwing nag uusap si Michael at Mira kaya iniiwasan niyang makipag-usap muna kay Mira sa loob ng mansion. Iniisip niyang baka nag seselos si Allen pero ayaw niyang nag assume, pero hanggat maaari ay iniiwasan niya muna hanggat malaman niya kung ano ba talagang rason.

        
   

"Forbes University!"

EXCITED na bumaba ng jeep si Michael at pumasok sa loob. Napaka ganda ng university, ang mga estudyante ay halatang may mga kaya sa buhay ang magulang. Eskwelahan talaga ito para sa mga high class na pamilya maliban sa kanya na nakapasok lang dahil sa scholar ship na ipinag papasalamat niya kaya naman hindi niya hahayaang madismaya ang mga ito sa kanya.

Matapos ang orientation ay nag tungo na lahat ang mga estudyante sa mga klase nila. 2nd year law student na ngayon si Michael. Kung hindi siya natigil ng isang taon ay 3rd year na sana siya.
 

Papasok na sana siya ng classroom nang may tumatakbong lalaki ang bumangga sa kanya dahilan para mapa salampak siya sa sahig.

     
"Aray" daing ni Michael habang hinihimas ang pang-upo. Napaka lakas kasi ng impact.

Sabi kasi sayo Michael tumabi ka! Sisi niya sa sarili.

"SORRY! YOU'RE IN THE WAY!" sigaw ng lalaking bumangga sa kanya. Napa iling na lamang si Michael at pumasok na sa loob saka naupo sa bakanteng upuan malapit sa bintana. 

Kamusta kaya si Allen? He can't avoid thinking of him.

"Ayos ka lang?" tanong ng lalaki sa tabi niya kaya napalingon si Michael rito.

"Ha?" He asked clueless about what the guy is talking about.

"Ah nakita ko kasi kanina, yung ano..bumagsak ka" sagot ng lalaki. Napakamot sa ulo si Michael.

"Ah ayos lang, medyo masakit lang puwet" sagot niya sa tanong nito kanina. "Michael nga pala" and offered for a handshake.

"Ah ano...Afro" pakilala naman ni Afro at naki pag handshake pero kung saan saan ito tumitingin na tila ba may magagalit kapag nakipag kamay siya. As usual Michael got curious.

"May problema ba?" tanong ni Michael. Agad namang inalis ni Afro ang kamay kay Michael dahilan para mapakunot siya ng noo. Napa tingin siya sa dereksyon kung saan naka tingin si Afro sa labas ng bintana. Nasa first floor lang naman sila. Nakita niya ang isang matangkad na lalaki.

"Sino yun?" kuryosong tanong ni Michael.

"W-wala" utal na sagot ni Afro at tumingin na sa unahan. Nag kibit balika na lamang si Michael. Hindi niya talaga maiwasan ang pagiging chismoso.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now