CHAPTER 26

1.3K 92 16
                                    

Napamulat si Michael sa lakas ng pag yugyog ng kung sino sa kanya. Nang luminaw na ang mga mata ay nakita niya si Mira. Kuma-kamot sa ulong bumangon na ang binata.

"Mira bakit?" tanong niya at tiningnan ang oras sa cellphone. 9:45 na ng gabi.

"Nag kakagulo kasi sa labas!" malakas na sigaw ni Mira, dahilan para magising ang diwa niya. Agad na siyang bumaba sa kama at sinuot ang tsinelas pang bahay pag katapos ay lumabas na sa Kwarto.

"Sino ba nag kakagulo?" tanong ni Michael na nakasunod lamang kay Mira papunta sa sala.

"Si Sir Allen nag wawala nung dumating sina Sir Hanz" napahinto naman si Michael sa narinig. Kinakabahan siya na makaharap ang amo dahil sa sinabi nito dati.

"Don't fall for my son"

"Huy Michael! Bakit huminto ka pa riyan?" napabalik sa sarili si Michael sa sigaw ni Mira. Hindi na siya nag salita at binilisan na ang pag lagkad papunta sa sala.

Nang makarating sa sala ay nakita ni Michael ang nag wawalang si Allen na hawak hawak ni Kuya Vicente at ng isang guard. Samantalang kumpleto naman ang pamilya sa sala kasama ang hindi pamilyar na dalaga.

Sino siya?

"Kuya Michael!" Napa baling ang atensiyon niya nang lumapit sa kanya si Kate at hinawakan ang kamay niya. "Stop my brother kuya Michael, you're the only one who can do it"

Napalunok si Michael, hindi niya alam ang gagawin. Natatakot na baka makahalata sila sa kung ano mang gagawin niya. Napadako naman ang tingin ni Michael sa mga amo para makita ang reaksyon nila, nakita niyang tila nakikiusap ang mga mata ni Christine samantalang walang emosyon si Hanz.

"Kuya Michael please!" muling paki-usap ni Kate.

"Don't force him if he doesn't want." kontra ni Kurt na seryosong naka tingin sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nag salita. "Susubukan ko."

Nag liwanag ang muka ni Kate. "Thank you Kuya Michael."

Michael smiled at Kate as he pat her head. He inhaled lightly and nervously approach Allen. He is not nervous that Allen might hurt him, but he is nervous because Allen's parents might have a clue about their secret.

"Kian" tawag lamang ni Michael sa nag wawalang si Allen pero tila ba nahimasmasan ka agad ito. Nang huminto sa pag wawala ang binata ay binatawan na ito ng dalawang naka hawak kanina. Nginitian pa ni Vicente si Michael bago lumayo.

Napaluhod naman si Allen nang makaramdam ng pang hihina. Agad siyang dinaluhan ni Michael at hinawakan sa balikat.

"M-Michael... I'm hurt..." mahinang sambit ni Allen habang tumutulo ang mga luha. Pinahid ni Michael ang mga luha using his thumb and smile at him.

"Michael, can you bring Allen to his room?" tanong sa kanya ni Christine.

"Yes Ma'am." Christine smiled at his reply. Ngunit tila hindi maganda ang kahulugan ang ngiting iyon...

"Mira, bring Hazel to the guest room so she can rest and also you Kate, go back to your room and sleep its getting late." Rinig niyang sambit pa ni Ma'am Christine habang inaalalayan si Allen pa akyat sa hagdanan. Sa peripheral vision ay kita niya kung paano sila titigan ni Sir Hanz.

Nang makarating sa kwarto ay maingat na inalalayan ni Michael si Allen pasandal bedrest ng kama. Wala pa rin itong imik mula kanina at naka tulala lamang.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now