PROLOGUE

9.7K 247 18
                                    

Hey hey! Sa mga dating naka basa na nito nung unang version. Hello HAHAHA at sa mga bago naman welcome. Bale ini-rewrite ko etong may Bipolar. Andami kasing errors na hindi na kayang madaan sa edit lang so I decided na simulan nalang uli sa una. Stick pa ren ito sa plot pero may mga iniba lang ako ng konti at idinagdag. Lalo na sa language kung may naka pansin kasi sa unang version ay puros english ang narration sa chapters 1-13 at tagalog na sa later.

Enjoy reading!

PROLOGUE

Hawak ang isang sakong bigas ay tagak-tagakan ang pawis ni Michael. I-dedeliver niya ang bigas kay Apple. Isa sa mga sinu-supplayan nila.

"Hi paps!" Apple said sexily. Ibinaba ni Michael ang bigas bago nag lahad ng kamay. Senyales na ibigay na sa kanya ang bayad.

"Ano ba naman yan paps, usap muna tayo." malambot na sambit ni Apple.

Napa iling na lamang si Michael. "Ewan ko sayo Apple." Inirapan lamang siya ni Apple saka binigay na ang bayad, ngumiti si Michael. "Ayan, sige sa susunod ulit."

Lumabas na siya roon at bumalik sa pick up truck saka minaneho pauwi.

Ang totoo ay mag ka-babata si Michael at Apple. Nag bago lamang ito nung umamin sa kanya si Apple na gusto siya nito. Idinistansiya niya ang sarili hanggang sa hindi na sila tuluyang nag iimikan kagaya ng dati. Hindi naman sa ayaw na ni Michael kaibiganin si Apple dahil bakla ito, ang totoo ay maging siya ay nag kaka gusto rin sa lalaki. Hindi siya bakla, bisexual lang at walang ibang nakaka alam nito kundi siya lamang.

Nang makarating sa bahay nila ay ka agad na nakita ni Michael ang problemadong mukha ng mga magulang.

"Anong problema 'nay?" ka agad na tanong ni Michael at nag mano sa mga magulang.

"Mukhang wala ulit tayong magandang ani ngayong taon dahil sa peste." napabuntong hininga ang kanyang tatay.

"Malapit na ring maningil si Mr. Tan." sambit naman ng nanay niya. Malaki ang utang nila kay Mr. Tan dahil sa mga peste nung isang taon. Malaki kasi ang nalugi sa kanila at kailangan nilang ng pambili ng pananim para ngayong taon. At ngayon kinakaharap nila ang parehong problema.

"Sapat naman po ang kinita natin sa bigas ah?" sambit ni Michael.

"Eh papa-ano ang pag pasok mo sa Law school?" natigilan si Michael sa sinabi ng nanay niya. Ang totoo ay ayaw na muling tumigil ni Michael ng isa pang taon. Sayang na ang panahon.

Kailangan kong humanap ng paraan.

KINABUKASAN ay normal na araw. Gumising siya ng maaga para tulungan ang ama sa bukid.

"Nak! Pahinga muna kayo!" sigaw ng nanay niya na nasa kanilang kubo.

"Opo! Tay, pahinga muna raw" sambit ni Michael.

Nang makarating sa kubo ay napako ang tingin ni Michael sa bukirin nila. Kung sana ay walang peste edi sana ay nag aaral siya ngayon. 2nd year college na sana siya. Ayaw na niyang tumigil pa ng isang taon.

Napalingon siya nang tapikin ng tatay niya ang balikat niya. He saw the apologetic face of his parents. Syempre ang magulang niya ang pinaka nalulungkot sa sitwasyong ito.

"Pasensiya na anak." sambit ng nanay niya.

Ngumiti si Michael. "Ayos lang po."

Maya-maya ay humahangos na tumatakbo papalapit sa kanila si Mia. Ang nakababatang kapatid niya.

"Bakit ka ba nag mamadali?" tanong ni Michael.

"Dumating si Tiya Aning!"

Nag katinginan sila at dali-daling iniligpit ang mga gamit. Minsan lamang kasing umuwi sa probinsiya si Tiya Aning dahil nag tatrabaho ito sa isang Mansion sa syudad.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now