CHAPTER 20

1.6K 113 5
                                    

HALOS gusto ng mag takip ng tenga ni Michael sa sobrang lakas ng tugtog. Wala na siyang makitang kumakain ng pag kain dahil puros alak o wine na ang hawak ng mga bisita. Maging sila nga rin ni Allen ay ganoon ang hawak. Kita ni Michael kung paano nag sasayaw ang mga naroon ang iba ay naka bikini o shorts pa at nasa pool. Ngayon ay silang dalawa ni Allen at si Afro na lamang ang natitira sa table. Dumating kanina si Afro kalhating oras bago nag simula ang "tunay na party" kuno na sinasabi ni Axcel.

Gusto namang mag tanong ni Michael kay Afro king ganito ba talaga ang party sa syudad ay hindi niya magawa dahil hindi lamang sila mag kakarinigan. Sumisim na lamang si Michael sa hawak niyang wine. Ang totoo niyan ay kanina pa iyon pero hindi pa rin inuubos ni Michael dahil natatakot siyang malasing.


Kita naman niyang pang ilang baso na ni Allen at medyo namumula na ang mukha nito. Maya-maya ay nag bago na ang tunog ng music, kung kanina ay rock naging mas soft na ito.

"Sir Allen, tama na yan" sambit ni Michael but Allen just ignored him at binottoms-up pa ang wine na kasasalin lang ng waiter. Tumayo na si Michael upang kuhain na ang baso ni Allen pero tinabig lang nito ang kanyang kamay at sinamaan ng tingin.

"Lasing ka na Sir. mapapagalitan ako ni Ma'am Christine." Sambit uli ni Michael. Tumingin naman uli sa kanya si Allen at sarcastic na tumawa.

"So?" Allen mocked at nag pasalin pa uli ng wine.


"Michael, may problema ba?" tanong naman ni Afro.

"Ayaw kasi tumigil uminom" sambit ni Michael. Hindi naman siya mapakali dahil baka talaga malasing si Allen kaya muli niyang tinangka kuhain ang baso. "Sir Allen, tama na yan" sambit uli ni Michael. Malakas na tinabig muli ni Allen ang kamay ni Michael at tinulak siya dahilan para mapa upo ito. Agad namang lumapit si Afro upang daluhan si Michael. Nakita naman nilang umalis si Allen at nag lakad patungo sa likurang bahagi ng bahay.


Agad namang tumayo si Michael at pinag-pagan ang likuran. Nakita naman niyang lumapit rin sina Keith sa kanila at nakatingin din ang ibang bisita sa kanila. Ngumiti lang siya ng alanganin sa kanila.


"Anong nangyari?" tanong ni Keith.


"Ayaw kasi tumigil sa pag iinom. Teka sundan ko muna." Hindi na inintay ni Michael ang sagot ng mga kaibigan at agad na tumakbo kung saan nag punta si Allen.

"Sir Allen." Agad siyang lumapit kay Allen nang makitang nakaupo ito sa bench. Siguro ay nasa garden sila dahil maraming bulaklak sa gilid.


"Sir Allen gusto niyo na bang mag pasundo tayo?" tanong niya at humawak sa braso ni Allen. Tinabig naman yun niya yun na ikinagulat ni Michael.


"You know what? Stop acting like you care for me okay?! Tayo na lang naman dalawa rito at wala ng makaka kita na wala kang pakielam sakin!" Sigaw ni Allen. Nasaktan si Michael sa mga salitang sinambit ni Allen.


"A-ano? H-hindi..." hindi makapag salita ng maayos si Michael dahil pakiramdam niya na kapag nag salita pa siya ay babagsak lamang ang mga luha niya.


"Oh? You can't say anything? So you just admitted it that you only show your care for me because my Mom paid you right?" sambit ni Michael. Walang lumalabas na mga salita sa bibig niya tanging mga iling lamang.

"What?! Say something!" galit na sambit ni Allen at niyugyog ang balikat ni Michael.

"M-mali ka! H-hindi totoong wala akong p-paki sayo!" Na nginginig Sambit ni Michael, tumutulo na ang mga luha niya ngayon.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now