CHAPTER 19

1.5K 102 3
                                    

"Michael" napalingon si Michael nang tawagin siya ni Mira.


"Bakit?" tanong niya.


"Lah? Kanina pa kaya kita tinatawag." sambit naman ni Mira.


"Pasensiya na. Ano ba yun?" tanong niya uli.


"Yung pag kain mo hindi pa nababawasan. Tulala ka na naman" sambit ni Mira at mababakas mo ang ang pag aalala niya sa kanyang boses. Napatingin naman si Michael sa pag kain niya. Kokonti pa nga lang ang bawas nito. Alanganin na lamang siyang tumawa at kumain na.

Pag katapos nila kumain ay siya na ang nag presinta na mag hugas ng pinggan. Mahina pa niyang tinampal ang sarili para maka pag focus sa kanyang ginagawa dahil tila ba napapa hinto na lamang siya bigla.


Nang matapos sa kanyang ginagawa ay napag pasyahan ni Michael na pumunta sa garden para mag pahangin. Malakas ang simoy ng hangin at kokonti ang mga bituin pero tila ba nawawala ang lungkot ni Michael habang pinag mamasdan ang madilim na langit.


Napalingon naman si Michael nang biglang may mag lakad papasok sa garden. Tila ba parehong nagulat ang dalawa ni Allen nang makita ang isat-isa. Siguro ay hindi nila inaasahan na mag pupunta rin sa garden.


"I don't know you're here. I'm coming back." mabilis na sambit na ni Allen at akma na sanang aalis na biglang hawakan ni Michael ang kamay nito. Maging siya ay nagulat sa kanyang ginawa.


"S-sorry!" sambit ni Michael at binitawan na ang kamay ni Allen. Tiningnan lamang siya ng binata at umalis na. Napa buntong hininga na lamang si Michael habang pinapanood ang papalayong si Allen.


Hanggang kailan ko kayang umiwas?



KINABUKASAN maagang nagising si Michael. Hirap na nga siya nakatulog kagabi ay maaga pa siya nagising kaya't mahahalata sa mga mata nito ang puyat. Hindi na naman siya makaka tulog uli kaya napag pasyahan niyang mag punta na lamang sa garden upang mag dilig.


Na alala niya na ngayon na nga pala ang birthday ni Keith. Chinat pa nga siya nito sa messenger para ipa alala sa kanya. Alam naman ni Michael na pupunta si Allen kaya kailangan din talaga niyang pumunta at isa pa ay nakabili na rin siya ng regalo.



"Kuya Michael!" muntik na magulat si Michael nang biglang sumulpot si Kate sa gilid niya.



"Kate talaga oh! Teka bakit ang aga mo nagising?" Tanong niya. Mag aala-sais pa lamang kasi ng umaga.


"Wala lang hihi!" sagot naman ni Kate. Napa iling na lamang si Michael at pinag patuloy ang pag didilig. "May pupuntahan kayong birthday party mamayang 5 pm diba?" napalingon naman si Michael dahil sa tanong ni Kate.



"Oo, pa'no mo nalaman?" Tanong niya.



"Nag pa alam kasi si Kuya Allen kagabi nung nag didinner kami ih" sagot naman ni Kate. Napatango na lang si Michael. "Pwede ba ako sumama?" muling tanong ng bata.


"Doon ka sa Kuya mo mag pa alam" sambit naman ni Michael. Napa pout naman si Kate.


"Samahan mo ako kuya Michael" sambit ni Kate at hinawakan pa siya sa braso. Nag bu- beautiful eyes pa ito sa kanya. Napa ngiwi na lamang siya dahil hindi niya alam kung paano ito tatanggihan.



"Bahala na mamaya..." sambit ni Michael. "Pero wag ka masyado expect, baka kasi hindi ka payagan tapos iiyak ka" pa alala pa ni Michael. Lumawak naman ang ngiti ni Kate at tumango ng ilang ulit.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt