CHAPTER 37

1.2K 75 3
                                    

"Kuya! Kwento ka na daliii!"


Napatakip naman ng tenga si Michael dahil sa lakas ng sigaw ni Mia. Narito sila ngayon sa kwarto ni Michael, sabi kasi ni Mia ay dito siya matutulog ngayong gabi katabi ng kuya niya.


"Huwag ka ngang sumigaw. Akala mo naman ay layong layo natin sa isat-isa eh katabi mo lang naman ako." reklamo ni Michael.


Napatawa naman si Mia at nag peace sign sa kanya. "Hihi sorry! Kwento ka na."

"Tungkol saan ba?"

"Edi dun sa mansion na pinag tatrabahuhan mo at yung mga amo mo dun"


"Sobrang laki nung mansion, akala ko nga maliligaw ako nung una eh, tapos edi nung unang beses ko nakaharap yung mga amo ko, akala ko matataray sila. Yun pala mabait lalo na si Ma'am Christine tapos sabi nila sakin bukod sa pagiging hardinero kaibiganin ko daw yung isa nilang anak si Ki- este si Sir Allen."

"Bakit naman daw?" takang tanong ni Mia.

Napangiti naman si Michael. "Kasi, alam mo meron kasi siyang disorder at home school siya for 10 years so wala siyang kaibigan at gusto ng magulang niyang maranasan na mag karoon si Sir Allen nun."


"Ganun? Kakawawa naman pala siya." malungkot na sambit ni Mia.

Umiling naman si Michael. "Magagalit yun pag nalaman niyang naaawa ka sa kanya. Ayaw kasi niya nun."


"Ay, tapos kuya naging mag kaibigan ba kayo?"

"Oo naman ako pa, kahit nung una napaka suplado niya. Paiba-iba kasi yun ng mood eh. Pero, nung mag tagal tagal at nakilala na namin ang isat-isa ayun naging close na kami." ngiting sambit ni Michael at napatingin sa bubong.

"Kuya alam mo?"

"Hindi, ano yun?"

"Kung hindi ko lang alam na lalaki yang sir mo, baka inisip ko na may gusto ka sa kanya" napatingin naman si Michael sa kapatid niya at nakitang naniningkit ang mga mata nito.


Kinakabahang tumawa si Michael. "Bakit naman?"


"Kasi kung mag kwento ka tungkol sa kanya e parang inlove na in love ka eh" ginulo ni Michael ang buhok ni Mia.

"Matulog ka na nga lang"

"Hmp aga pa eh!"


"Di ka la-laki niyan" inirapan naman siya ni Mia. "Pero Mia...kung sakali ngang mag ka gusto ako sa lalaki. Matatanggap mo ba ako?"

Napa tingin naman sa kanya si Mia. Hindi mabasa ni Michael ang reaksyon nito. "Joke ba yan kuya?"

Hindi. "Oo, joke ito kaya sagutin mo na lang."


Napahawak naman sa baba si Mia at napatingin sa bubong, iniisip ang tanong ng kuya niya. "Oo naman! Kuya kita eh. Tiyaka kung saan ka sasaya edi support kita."


Napangiti naman si Michael sa sagot ng kapatid niya. "Ang bait naman netong kapatid."

Napa bungis-ngis si Mia. "Aba, syempre!"


Kapwa nabaling ang atensiyon ng dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Michael. Kinuha niya ito at nakitang tumatawag si Allen.


"Sino yan Kuya?" takang tanong ni Mia.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now