CHAPTER 5

2.4K 124 33
                                    



KINABUKASAN ay maaga siyang gumising para mag dilig ng halaman at mag linis ng garden. Pag katapos ay bumalik na siya sa kwarto at nag handa para pumasok. Eto ang bagong routine niya araw-araw.

Papalabas na siya ng mansion ng nakita si Allen. Hindi niya alam ang gagawin kaya't nginitian na lamang niya ito. Lalampasan na sana niya ang binata nang bigla nitong hablutin ang pala-pulsuhan niya.

"Ah..sir?" Kinakabahang sambit ni Michael.

"I don't know what did I did for you to avoid me..but still good luck for your school today" sambit ni Allen at binitawan siya. Napa buntong hininga na lamang si Michael.

Hindi madali para sa kanya ang layuan si Allen. It seems like the more he avoid his feelings, the more his feelings wants to come out.

***

NASA classroom na si Michael at kasalukuyang naka titig sa labas ng bintana. Wala pa ang prof.

"Lalim ah" napalingon si Michael kay Afro na nag salita. Napansin niyang iniiwasan rin siya nito.

"May iniisip lang"sagot niya "Ikaw bakit parang nilalayuan mo ko?" tanong niya, napa iwas naman ng tingin si Afro na tila ba pini-pigilan ang sariling sagutin ang tanong niya.
"Siguro dahil dun sa lalaki---" hindi na natapos ni Michael ang sasabihin ng takpan ni Afro ang bibig niya.

"Mamaya tayo mag usap.." sambit ni Afro sa mahinang boses. Si Michael naman ay pini-pigilan ang sariling mapa ngisi. Masaya siya dahil sa wakas ay masasagot na ang mga katunungan niya tungkol kay Afro.

NANG mag break time ay nag tungo na si Michael sa cafeteria at hinanap ang pwestong sinabi ni Afro kung saan sila mag uusap. Isang subject lang sila mag ka klase kaya bihira lang silang mag kita.

Nilapitan ni Michael si Afro nang makitang naroon na ito sa pwestong pinag usapan nila. Nasa pinaka huling pwesto ito sa likurang bahagi. Hindi masyadong visible sa mga estudyante. Nahalata tuloy ni Michael na parang may tinataguan si Afro.

"Para namang may tinataguan tayo ah" Michael blurted out.

"Ganun na nga.." pag amin ni Afro.

"Sino?" Michael asked curiously.

"Ah ano...mag kaibigan naman tayo diba?" balik na tanong ni Afro. Sinisigurado kung mapag kakatiwalaan ba talaga si Michael. .

"Oo naman!" Sagot ni Michael replied. Afro let out deep sigh.

"Ano kasi..nagalit kasi si Master" saad ni Afro.

Huh? Master???

"Basta mahabang istorya. Sinabihan niya kasi akong layuan ka. Hindi ko alam kung bakit" Afro continued.

"Ah ganoon ba, e wala naman akong ginagawang masama"sambit ni Michael. Sa pag kaka tanda niya ay wala naman siyang ginagawang masama para sabihan nung lalaking tinatawag na 'master' ni Afro na layuan siya nito.

Ngunit napa ngisi si Michael nang may ideyang pumasok sa isip niya.

"Baka nag seselos?" sambit ni Michael.

"Impossible yun...master-slave lang ang ugnayan namin" tila may lungkot ma sambit ni Afro.

Si Michael naman ay iniisip ang sinabi ni Afro tungkol sa master-slave relationship nila nung lalaki. Hindi niya akalain na uso pala yon sa Pilipinas.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now