CHAPTER 25

1.5K 93 2
                                    

NAKATINGIN lamang si Michael sa bintana ng kwarto ni Allen habang pinag mamasdan ang malakas na buhos ng ulan. Suspended na ang klase mula pre-school hanggang college dahil sa alert no. 4 na ang bagyo. Kanina pa dina-dial ni Michael ang kapatid pero hindi pa ito sumasagot. Kagabi pa ang huling pag uusap nila.

"Hey are you okay?" sambit ni Allen na tumabi sa kanya.

"Nag aalala ako sa pamilya ko sa bukid..."


"I'm sure they're fine." Pag papalakas ng loob na sambit ni Allen at hinawakan ang kamay niya. Isang ngiti naman ang isinukli ni Michael.

"Yung research natin, hindi natin magagawa." sambit ni Michael nang maalala ang research na dapat ay sisimulan nila ngayong araw.

"Let's just start it when the class resumes. I'm sure the prof will extend our time." Napa tango naman si Michael at binaling muli ang paningin sa labas ng bintana. Umaga pa lamang pero parang gabi na dahil sa sobrang dilim ng paligid.


"Looks like you'll restart on the garden." sambit ni Allen at niyakap si Michael mula sa likuran at ipinatong ang ulo sa balikat niya.


"Oo nga..."


Naramdaman ni Michael ang pag higpit ng yakap sa kanya ni Allen. Imbis na umangal ay hinawakan na lamang niya ang kamay ng binata na mag ka intertwined sa bewang niya. Ramdam din niya ang mainit na pag hinga ni Allen sa leeg niya.

"So cold..." bulong ni Allen malapit sa tenga niya na nag dulot ng kiliti kay Michael. Maya-maya ay kumalas na si Allen sa posisyon nila at hinila si Michael papunta sa kama.


"Kian?"


"Shh" nakangising hinila pahiga ni Allen si Michael sa kama at agad itong niyakap ng mahigpit.


"Hindi ako makahinga" Rinig niya naman ang mahinang pag tawa ni Allen at niluwagan ang pag kakayakap.


Iniba ni Allen ang posisyon nilang dalawa. Kung kanina ay mag kaharap sila ngayon ay naka talikod na sa kanya si Michael habang naka yakap si Allen mula sa likuran at naka baon ang ulo sa balikat ng binata.

Ipinikit na lamang  ni Michael ang mga mata nang makaramdam ng pag ka antok, ngunit agad siyang napa mulat nang maramdaman ang mga kamay ni Allen loob ng damit niya at mabagal na hinahaplos ang parte ng tiyan niya.



"Kian a-ano yang ginagawa m-mo?" tanong ni Michael. Parang nag init ang dalawang tenga niya dahil sa ginagawa ni Allen.

"Hmm...it's warm here." sambit naman ni Allen na tinutukoy ang parte ng tiyan ni Michael na patuloy parin niyang hinahaplos.

"T-teka...n-nakiki...liti ako" nahihirapan ng sabi ni Michael na pinipigilan ang pag tawa.


"Stay still..." itinigil na niya ang pag haplos pero nanatili ang mga kamay sa loob ng damit. Naka hinga naman ng maluwag si Michael.


Tok* tok* kapwa napabaling ang tingin ng dalawa nang marinig ang pag katok sa pintuan.


"Allen?" Boses iyon ni Ma'am Christine. Agad namang umalis si Michael sa pag kakayap ni Allen  at tumayo na sa kama. Pinanlakihan naman niya ng mata si Allen na wala atang balak tumayo para puntuhan ang ina. Naka busangot namang tumayo si Allen at nag punta sa pinto at binuksan itoml.


"Mom"


"I thought you're sleeping." napatingin naman si Christine sa loob ng kwarto at medyo nag taka nang makita si Michael na ngumiti lang sa amo. "Michael you're here." she then stated.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon