CHAPTER 45

1.4K 67 5
                                    

UNTI-UNTING imunulat ni Michael ang mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha. Kinapa ni Michael ang gilid niya at nakitang wala si Allen sa gilid niya. Bumangon na siya sa kama at tiningnan ang buong paligid pero wala siyang Allen na nakita.

Tumayo na si Michael sa kama at sinuot ang pambahay na tsinelas niya saka lumabas ng kwarto. Agad na tiningnan niya kung naroon si Allen ngunit wala pa rin, sunod na nag tungo si Michael sa kusina at nakita niyang naroon ang nanay niya habang nag luluto ng agahan.

"Michael, gising ka na pala. Mag hilamos na." sambit ng Nanay niya pag ka kita sa kanya.

"Si Kian 'ho?" tanong ni Michael.

"Jusko ko itong batang ito, pag kagising ay nobyo agad ang hinahanap." naiiling na sambit ng nanay niya. "Naroon siya sa labas at tinutulungan ang tatay mong mag sibak."


"Po?!!"gulat na tanong ni Michael, akma na sanang siyang tatakbo pa labas ngunit na alalang hindi pa siyang nag hihilamos at toothbrush.


Pag katapos ni Michael ay lumabas na siya sa kusina at nag punta sa labas. Nakita ni Michael si Allen na tinuturuan ng tatay niya kung paano gumamit ng palakol (axe in English).


Aaminin ni Michael na talagang kinabahan siya kanina nang makitang wala na si Allen sa kama, akala niya ay umuwi na ito ng hindi man lang nag papa alam sa kanya. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag nang malaman na nag sisibak lamang ng kahoy si Allen.


Lumapit si Michael sa pwesto nila Allen.

"Tay, bakit niyo naman po pinag sisibak si Kian?" tanong ni Michael.

"Siya ang nag presinta." sagot ng Tatay niya, bumaling naman si Michael kay Allen at nakitang nakangisi ito sa kanya.

"I asked tatay to teach me how to do this." Sambit ni Allen. At oo, Tatay at nanay na rin ang tawag ni Allen sa mga magulang ni Michael.

"Baka masugatan ka." sambit ni Michael at sinuri pa ang paa at kamay ni Allen kung may sugat.


"Nako Michael, talagang ingat na ingat mo itong si Allen ah." sambit ng Tiyo Ed niya na kararating lang.

"Syempre Tiyo, sayang naman ang makinis na kutis ni Kian kung masusugatan lamang." sagot ni Michael.

"Oh siya heto ang palakol, ikaw na mag sibak Michael." sambit ng tatay at ini abot sa kanya ang palakol.

"Sige po"

"Oh siya pasok na muna ako"
"Mag kakape rin muna ako." pa alam ng tiyo at ama niya.


"How about you? You haven't have your coffee right?" sambit ni Allen.

Tumango naman si Michael, syempre nakalimutan na niya ang kape dahil si Allen ang nasa isip niya.

"Okay, I'll make you one." sambit ni Allen.

"Marunong ka?"

Proud na tumango naman si Allen. "Nanay teach me how"

Nang umalis si Allen para mag timpla ng kape ay sinumulan na ni Michael ang pag sisibak ng kahoy. Kakaunti na rin naman pala ang kailangan niyang sibakin.


Nag tataka naman si Michael dahil nauna pang magising si Allen. Pero sabagay, sa mansion naman ay maaga rin itong magising.


"Here's your coffee." sambit ni Allen nang makalapit sa kanya at inabot ang isang tasa ng kape.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now