CHAPTER 22

1.6K 112 5
                                    

"So, okay na kayo?" pabulong na tanong ni Afro, napansin kasi ng binata na nag uusap na ang dalawa ni Michael kanina pag pasok sa room.


"Oo, misunderstanding lang pala" sambit naman pabalik ni Michael. Napatango-tango si Afro.


"Mabuti naman" bulong uli ni Afro, hindi alam ni Michael kung bakit kailangan pa bumulong ni Afro pero tumango na lamang siya.


"So are you guys done whispering with each other?" sabay na napalingon ang dalawa ni Michael at Afro kay Allen nang mag tanong ito na halatang iritado. Afro chuckles its obvious that Allen is jealous , dahil naman dito ay tumingin sa kanya si Allen na nakakunot ang noo. Agad siya umiling sa binata.


"High blood ka na naman Kian." Sambit ni Michael pero inirapan lamang siya ni Allen. Napa iling na lamang siya at humarap na sa unahan. Narinig muli ni Michael ang mahinang pag tawa ni Afro.


"Bakit ka ba tumatawa?" tanong ni Michael.


"Cute niyo kasi!" sambit naman ni Afro. "Isang attitude at isang manhid?" napakunot naman ang noo ni Michael sa sunod na sinabi ni Afro.

"Ha?" hindi na nasagot ang tanong ni Michael nang pumasok na ang prof nila at nag simula na ang klase nila.


"Ehem. Mr Garcia and Mr. Bueno can you two get the hand outs and my  laptop on my desk in the teachers office?" utos ng prof kina Afro at Michael. Tumango naman ang dalawa at tumayo na pag katapos ay nag lakad palabas ng room.


"Napaka makakalimutin talaga ni Sir no? Pati laptop naiwan." iling iling na sambit ni Michael.


"Oo nga eh" sagot naman ni Afro.


Patuloy lamang sila sa pag lalakad nang agad na mapahinto nang may marinig na nag tatalo sa corridor. Nag katinginan ang dalawa. At dahil nga likas na chismoso si Michael ay sinenyasan niya si Afro na wag maingay, nag tago naman silang dalawa sa may trashbin ilang metro ang layo sa corridor. Ngayon ay tanaw na nila ang nag tatalo. Nakatalikod ang mga ito kaya hindi nila makita ang mukha pero base sa gupit at uniform ay lalaki ang mga ito.


"Mag susuntukan ba sila?" mahinang bulong ni Afro nag kibit-balikat naman si Michael at tinuon na ang atensiyon sa dalawang lalaki.


Oras ng klase ngayon kaya walang ibang estudyante na dumadaan sa corridor. Hindi masyadong marining nina Michael ang pinag uusapan ng dalawa pero bigla nalang kinuwelyuhan nung isang lalaki ang isa pa at itinulak sa pader, parehas na nanlaki ang mga mata nina Michael at Afro nang makitang si Clark ang itinulak sa pader. Nagkatinginan si Afro at Michael.


"Anong gagawin natin muka--" Hindi na naituloy ni Afro ang sasabihin nang mabigla sa sumunod na nasaksihan. Kinusot-kusot pa ni Michael ang mata niya dahil baka namamalikmata lamang siya na nakitang niyang hinalikan nung isang lalaki si Clark! Maya-maya ay tila may binulong pa ang lalaki kay Clark at umalis na. Taliwas ang direksyon nito kina Michael kayat hindi pa rin nila nakita. Samantalang si Clark ay naiwang tulala, at nang maka recover sa nangyari ay umalis na din. Doon pa lamang umalis sina Michael sa pinag tataguan.


"Michael, may inuutos satin si Prof diba?"nanlaki ang mata ni Michael sa sinabi ni Afro.


"Hala shit! Tara na!" sambit ni Michael at tumakbo na papunta sa teachers office.




NANG makuha na lahat nang pinapakuha sa kanila ay patakbong bumalik na agad ang dalawa sa room. Baka kasi mapagalitan na sila kapag nag tagal pa. Pag ka dating sa room ay agad na nilang binagay ang mga gamit sa prof.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now