CHAPTER 44

1.4K 79 19
                                    


"Kuya Michael, no! Don't leave us please!"


Sigaw ni Kate habang yakap yakap si Michael na napakagat nalang sa ibabang labi para pigilin ang sariling maiyak. Nasa labas na siya ngayon ng mansion dala ang lahat ng gamit niya.


"Kate, he'll comeback." sambit ni Kurt para bumitaw si Kate pero umiling-iling lang ang bata at mas hinigpitan ang pag kakayakap.


Yumuko si Michael at pinantayan si Kate, nginitian niya ito at ginulo ang buhok. "Mag kikita pa rin naman tayo."


"Kuyaaa Michaeeell." umiiyak pa ring sambit ni Kate na nag patulo ng luha niya. Ayaw na ayaw talaga siyang pa alisin ni Kate. "You'll really leave without saying any words to my brother?" tanong nito.


Yumuko naman si Michael at muling tiningnan si Kate. "Syempre hindi no, magagawa ko ba yun?"


"Really?" tanong ni Kate, tumango naman si Michael at pinunasan ang luha ni Kate.


"Alis na ako ha? Alagaan mo yung kuya mo para sakin." sambit ni Michael.

Tumango tango naman si Kate. "I will. Take care too Kuya Michael, please comeback."

"Babalik ako..."


"Michael, chat tayo sa Facebook ha? O kaya text or tawag ka sa cellphone ko." sambit naman ni Mira at yumakap sa kanya.

"Oo naman"

"Sige, ingat ka ha."

"Michael , the taxi is here." sambit ni Kurt.


"Hala sir, mag jejeep lang po ako." sambit ni Michael para maka iwas sa gastos.

"No, I'll pay and please don't call me Sir anymore. Kurt is fine." sambit ni Kurt.

Tumango naman si Michael. "Salamat, Kurt."

"You're welcome" Sambit ni Kurt at tinulangan siyang ilagay ang malaking bag sa likod. "Kuya, paki hatid po siya sa bus terminal." sambit ni Kurt sa driver at nag bayad. Yumakap muna si Michael kay Kate at Kurt bago sumakay sa taxi.

Tiningnan niya ang labas ng mansion sa bintana, umaasang baka lalabas si Allen para makita ang pag alis niya ngunit bigo siya, bumuntong hininga na lamang si Michael at itinaas na ang bintana ng kotse.


Kailan kaya uli ako makakatapak sa mansion ng mga Olga? Sinabi niya kay Kate na babalik siya pero hindi naman niya alam kung mag kakatotoo ba iyon, dahil sa tingin niya ay malabo na.  




***



MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Michael pag kababa sa trycicle hawak ang mga bagahe niya. Narito na siya ngayon sa Batangas sa tapat ng bahay nila. Nakita ni Michael ang laki ng pinag bago ng bahay nila mula nung huling umuwi siya, tapos na itong gawin at may pintura na.


"Nay si Kuya!" sigaw ni Mia nang makita si Michael. Agad na lumapit sa kanya ang kapatid at kinuha ang isang bag niya. "Hindi ka man lang nag sabi kuya na uuwi ka."

Ginulo ni Michael ang buhok ng kapatid. "Suprise."


"Ewan ko sayo Kuya, ganda na ng bahay natin no? Tara na sa loob." sambit ni Mia. "Teka bakit hindi mo kasama si Tiya Aning?"

"Sa Bagong Taon pa uuwi si Tiya." sagot niya. Tumango lang si Mia at nag pasok na sila sa loob. Pag kapasok ay nakita ni Michael ang mga magulang sa sala kasama ang isang lalaki, hindi makita ni Michael kung sino ito dahil naka talikod.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now