CHAPTER 23

1.6K 91 3
                                    

"Kian, alam mo na realize ko lang na wala pa tayo masyadong alam sa isat-isa" nasambit ni Michael habang na katitig sa mga bulaklak sa garden.


"Hmm, you're right. So what do you want to know about me?" tanong ni Allen habang naka titig kay Michael. Lumingon sa kanya ang binata at ngumiti.


"Marami...mga hobbies mo, favorite foods, color, dislike and like." sambit ni Michael. Allen chuckles.


"What are you a teen ager?" Allen joked. Napa irap naman si Michael na lalong ikina-ngisi ng binata. "But, to answer your question. My hobbies are playing mobile chess, listening music and watching movies." napatitig si Michael kay Allen habang nag sasalita ito. Lahat ng mga nabanggit nitong hobbies ay pang isahan o sakto para sa mga laging mag isa. May kung ano sa dibdib ni Michael na nalulungkot para kay Allen. Sa loob ng nakalipas na sampong taon ay palagi lamang itong mag isa. Ayun ang alam ni Michael. "My favorite color is sky blue. My favorite food is anything with chicken. I dislike loud and nuisance people. That's all."dagdag ni Allen, napatango-tango naman si Michael. "What about you?"

"Ahmm, ang mga hobby ko...since nasa bukid nga kami, pag tatanim at pag aani. Haha!" natawa si Michael nang ma alala ang mga araw na nag aani sila ng kanyang ama kasama ang ilang mga taga bukid habang kumakanta. "Favorite color is green kasi kakulay ng bukid. Favorite food ay tuyong isda at dislike ko yung mga taong insensitive sa nararamdaman ng ibang tao." dagdag niya.

"You know, I really want to see that bukid you're always talking about" saad ni Allen.

"Yep! Ako din, gusto kong makita mo." ngiting sambit ni Michael. Napatingin siya sa kamay niya nang maramdaman na hinawakan iyon ni Allen.


"I wish , I will have a chance." mahinang sambit ni Allen at isinandal ang ulo sa balikat ni Michael.

"Lumalamig na...gusto mo na bang pumasok?" tanong ni Michael. Sa tingin niya ay alas-dies na ng gabi.

"Let's just stay like this...for a little while...."





MAHINANG isinara ni Michael ang siradura ng pinto sa kwarto ni Allen. Matapos ng usapan nila kanina sa garden ay inihatid na niya ang binata sa kwarto nito na agad namang nakatulog. Napangiti ang binata nang ma alala ang usapan nila kanina sa garden. Masaya na siya na kahit papano ay nakikilala na niya ng tuluyan si Allen.


"You seems happy." Napa pitlag si Michael nang biglang mag salita si Kurt. Seryoso itong naka tingin sa kanya. Na alala naman ni Michael ang ginawa nitong pag sira sa kanila ni Allen.


"Sir Kurt..."


"I already warned you didn't I?" seryosong sambit ni Kurt at kinuwelyuhan si Michael at itinulak sa gilid ng pader.


"Sir, hindi naman totoo ang sinabi niyo." sambit ni Michael kahit kinakabahan siya. Ngayon lamang niya nakita na ganito kaseryoso si Kurt.

"You really don't understand, do you? My brother is just gonna be broke again! If you guys continue this shitty relationship between you two!" napalunok si Michael sa sinabi ni Kurt. "I know my brother isn't a gay, but that aside. Your relationship is forbidden you know this right? Once my mom and dad found out about this. You will be immediately kicked out." Napa iwas ng tingin si Michael dahil doon. Alam niya naman ang bagay na iyon kahit hindi pa sabihin ni Kurt. "I know you guys hate me for what I did last time. But I'm just concerned for the both of you...you know what's the best...and it isn't continuing what you two have right now..." lumambot ang boses ni Kurt sa huling sinabi niya. Binitawan na niya ang kuwelyo ni Michael at nag lakad na palayo.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant