CHAPTER 35

1.2K 66 0
                                    

"Hello Astrin?"


[“Hello Michael”]


"Napa tawag ka?" tanong ni Michael sa kabilang linya.


[“ano kasi...may tugtog ang banda bukas ng gabi, punta ka ha?”]


"Teka, hindi ako sure ha"


[“ehh? Hindi ka na nga naka punta nung unang beses kitang inimbita eh”]


Napakamot naman si Michael at medyo na konsensiya sa sinabi ni Astrin. Hindi kasi niya na alala ang sinabi ni Astrin noon kaya naka limutan niya. "Ano..."


[“please? Okay lang na mag sama ka ng iba basta pumunta ka.”]


"Hindi kasi ako sure kung makaka punta ako, kasi gabi na yun at wala ng dadaan na jeep"


[“hmm, sunduin na lang kita naka motor ako.”]


"Ehhh, Edi naka abala pa ako, tiyaka di ba busy kayo nun kasi mag aayos pa kayo ng mga instrument?"


[“oo nga, kaso gusto ko nga sana maka punta ka.”]



"Sus may pag seselosin ka lang e"


Narinig naman niya ang pag halakhak ni Astrin sa kabilang linya. [“please?”]

Napabuntong hininga si Michael. "I ta-try ko"



Nang matapos ang usapan nila ay napasandal na lang si Michael sa pader sa likod ng kama. Biyernes na na ngayon at bukas syempre ay Sabado kung kailan pinapapunta siya ni Astrin sa bar. Ni wala nga siyang idea kung paano siya makaka punta roon. Nahihiya naman siyang tanggapin ang alok ni Astrin dahil sigurado siyang magiging busy ito. Baka tuluyan naman mag tampo si Astrin sa kanya kung hindi siya sisipot kaso hindi rin naman niya alam kung paano ito sasabihin kay Allen.


"Wah, paano ba 'to..."



KINAGABIHAN ay namomroblema pa rin si Michael kung ano ba ang gagawin para maka punta sa bar.


"Hey what are you thinking?"


Napalingon si Michael kay Allen sa tabi niya. Nasa kwarto sila ngayon ni Allen at kumakain ng dinner.


"Ano..."


Hindi natuloy ni Michael ang sasabihin nang tumunog ang cellphone niya at nakitang tumatawag si Clark. Nag katinginan naman silang dalawa at sinagot na ang tawag.


"Turn on the loud speaker." sambit ni Allen at ginawa naman ito ni Michael.


[“hello Michael?”]


"Hello, napatawag ka Clark?"


[“Just wanna ask , if you guys wanna come with us”]


"Saan?" tanong ni Michael at napatingin kay Allen na nakatingin rin sa kanya at nakikinig sa usapan.


[“Jack's Bar, on Saturday night.”]


Napaisip naman si Michael at na alala na ito rin ang nakalagay na pangalan ng bar na pinag dalhan sa kanya ni Astrin nung nakaraan at ang parehong lugar kung saan inimbitahan siya ni Allen sa kaparehong araw. Napangisi si Michael.


[“susunduin namin kayo. Ano game?”]


Tumingin naman si Michael kay Allen para tingnan kung ano ang sagot nito at tumango lang ito sa kanya.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now