EPILOGUE

2K 96 35
                                    

"I'm now passing my verdict that the defendant Roberto Dela Cruz is not guilty by the reasonable law."

Napapalakpak ang kampo ni Michael sa narinig. Napaiyak naman ang defendant na si Roberto.

"This court is now adjourned. All rise."

Nag sitayuan na silang lahat, ang iba ay nag umpisa ng mag labasan sa korte. Lumapit kay Michael ang isang lawyer.

"Congratulations for your first time in court. You did great Att. Bueno."

Tumango naman si Michael. "Thank you Att."

"Att. Bueno, Maraming salamat po sa inyo at hindi nakulong ang tatay ko." sambit ng isa sa mga anak ng dinepensahan niya.

"It's my job." sagot ni Michael.


Lumapit naman sa kanya si Roberto at ang pamilya niya para mag pasalamat. Ang unang kliyente niya ay si Roberto, isa itong trycicle driver na na frame up na nag nakaw ng malaking pera sa bangko gamit ang isang credit card. Halata namang imposibleng magawa niya iyon kaya hindi nag dalawang isip na tanggapin ni Michael ang kaso.

Nang makalabas sa building ay nag punta na si Michael sa kotse niya, pinag ipunan niya ito mula noong nag aaral siya.

Kringgg*

Napalingon si Michael sa gilid ng tumunog ang cellphone, nakita niyang tumatawag si Mira. Napangiti si Michael.

"Hello Teacher Mira."

["Hmp! Hello ka diyan, mag kakalahating oras na ako rito sa resto. Pinag iintay talaga ang date mo no?"]

Napa tawa naman si Michael. "Sorry, eto na papunta na ako."

["Dalian mo!" ]

Pinatay na ni Michael ang tawag at pinaandar na ang kotse niya papunta sa resto kung nasaan si Mira. Napag usapan kasi nila na doon nalang mag kikita.

Nakatingin lang sa daan si Michael at seryosong nag mamaneho.

Mag sasampung taon na ang nakalipas mula nung umalis si Allen. Sa sampung taon na iyon ay hindi sila nag kausap ni isang beses. Hindi umuuwi si Allen. Panay ang tawag ni Michael kay Mira noon kung naka balik na ba ito, pero laging hindi ang sagot ni Mira.

Napahawak si Michael sa kwintas niya kung saan naroon ang singsing na binigay ni Allen. Lumiit na kasi ito at hindi na kasya sa kanya.


Napabuntong hininga siya...natupad na niya ang pangarap niya gaya ng gusto ni Allen...ang kaso nga lang....




NANG MAKARATING si Michael sa resto ay agad niyang nakita si Mira kaya lumapit na siya agad sa dalaga. Kita niya ang naka murot na mukha nito.

"Sorry I'm late."


"Psh, kung ganyan ka lang rin ay mabuti pang mag break na tayo!" sambit ni Mira na medyo nilakasan pa ang boses kaya napatingin sa kanila ang ibang kumakain.



Michael froze.





Pero agad ding napahagalpak ng tawa saka pinitik si Mira sa noo. "Anong break break ka diyan.





Eh may jowa ka na ha. Ikaw baka tuloy maniwala ang iba diyan."Sambit ni Michael.



"Hehe sorry na antagal mo kasi Attorney."


"Sorry na teacher." sambit ni Michael.



5 years ago nung umalis na si Mira sa mansion para ipag patuloy ang pag aaral ng Education. Dahil doon ay nawalan na nga ng connection sa loob ng mansion si Michael.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now