CHAPTER 18

1.5K 104 9
                                    

"Okay class dismissed"



Napa-unat si Michael, sa wakas ay tapos na ang morning classes niya. Napatingin naman siya sa katabi niya na nakatingin din pala sa kanya. Napa iwas na lamang siya ng tingin at tumayo na.

"Tara na." Sambit niya at nauna ng lumabas sa room. Alam naman niyang susunod sa kanya si Allen.

Ilang araw na matapos ang nangyari sa mansion tungkol dun sa sinabi ni Kurt. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang bagay na yun at napag pasyahan niya na idistansya muna ang sarili kay Allen habang hindi pa siya sigurado. Sa mga nakaraang araw rin ay palagi silang sabay-sabay silang anim na kumakain ng lunch. At nakikita ni Michael kung paano unti-unting napapalapit si Allen sa apat. Nasasaktan talaga siya, hindi lang ito selos...

"Michael, huy tulala ka" nabalik sa sarili si Michael nang mag salita si Afro. Ngayon lang niya napansin na naka titig sa kanya ang lima at halos wala pang bawas ang pag kain niya. Ngumiti na lamang siya ng alanganin at kumain.

"What's the problem?"Allen poked at him. He is staring at him intently.

"Wala" sambit lamang niya. Rinig niyang may pinag uusapan ang lima pero hindi siya maka sali sa usapan dahil naliligaw na naman ang isip niya.

"What about you Michael?" biglang tanong ni Keith.

"Ha?" sambit ni Michael. Ni hindi niya nga alam kung ano bang tinutukoy nito.

"You're really spacing out" sambit ni Axcel.

"Yeah, pwede mo naman ishare samin kung may problema ka." Hindi niya masyado ini-expect na sasabihin ito ni Clark pero ngumiti na lamang siya. Masaya siya na concern din sa kanya ang mga ito.

"Wala talaga..." he lied.

Nang tumunog ang bell ay nag sitayuan na sila upang mag punta sa mga susunod na klase. At syempre mag kasama silang muli ni Allen. Tahimik lamang silang nag lalakad, hindi alam ni Michael kung alam ba ni Allen na dumidistansiya siya pero wala na ring pakielam si Michael. Para sa kanya ay mas mabuti na ito kesa mag commit siya sa sa relasyon o sa taong wala namang kasiguraduhan at sa huli ay siya lamang ang masasaktan.

Mapayapa namang natapos ang afternoon classes nina Michael at Allen, at ngayon ay kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse. As usual tahimik si Michael, si Allen ay tahimik rin.

"Kuya paki tigil sa Mall, I have to buy something." biglang sambit ni Allen. Nakuha naman nito ang atensiyon ni Michael na nag tataka kung ano ang bibilihin nito.

"Sige sir" sagot naman ni Kuya Vicente at saglit na sumulyap kay Michael sa rear mirror pero nag kibit-balikat lamang si Michael.

Nang huminto ang kotse sa tapat ng mall ay agad na bumaba si Allen. Hindi naman nag dalawang isip at bumaba na rin si Michael para sundan si Allen. Natatakot siya na baka mapahamak ito.

"Sir Allen, anong bibilhin niyo?" tanong ni Michael, saglit na napatigil si Allen at tumingin kay Michael.

"So you finally decided to talk to me huh? And what?, did you just call me 'sir Allen'?" halatang iritado si Allen dahil sa tono ng pag sasalita nito. Napalunok na lamang si Michael at napa iwas ng tingin.

"Yes, Sir Allen." Pag mamatigas ni Michael. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ganito ang gustong gawing pag distansiya ni Michael, pero kusa na lamang gumagalawa at nag sasalita ang katawan niya para itulak palayo si Allen.

"Okay fine!" sigaw ni Allen at tinalikuran siya. Napa buntong hininga si Michael.

Tama , ayos lanh 'to. Dapat naman talaga sa una ay ito na ang ginawa ko. Edi sana... Hindi ako napalapit sa kanya at sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now