CHAPTER 41

1.1K 70 0
                                    

NAMUMUGTO ang matang bumangon si Michael sa kama. Hindi niya alam kung anong oras ba siya nakatulog dahil sa labis na pag iyak. Napabuntong hininga siya at nag punta na sa banyo para maligo.


Hindi pa rin ma alis sa isip niya ang mga nangyari kagabi sa penthouse nila Keith.


"Sige I'm letting you go My bipolar...Happy Monthsarry."

"Thank you Michael." sambit ni Allen at nag lakad palayo. Samantalang si Michael ay napa upo na lamang dahil sa panlalambot ng tuhod.

"What happened?" Tanong ni Clark na lumapit sa kanya.

Umiling-iling si Michael na patuloy ang pag tulo ng mga luha. "W-wala n-na...b-bumitaw na siya."

"Guys! Anong nangyari?" tanong ni Keith na kararating lang.

"I saw Allen, he already went on the car, I tried to asked and stopped him but he just glared at me." sambit ni Axcel.

Hindi na nakasagot si Michael at napaiyak na lamang. Sobra siyang nasasaktan. Alam niyang mangyayari ito pero kahit anong pag hahanda ang gawin niya ay hindi pa rin niya kaya.




"Oy? Pugtong pugto ang mata mo." sambit ni Mira. Tumigil si Michael saglit sa pag didilig.


"Eh..." hindi alam ni Michael ang sasabihin sa dalaga.

"Nung umuwi kagabi si sir Allen, napakalungkot halata ring umiyak. Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Mira.


"Bumitaw na siya eh..." nakayukong sambit ni Michael at napakagat sa ibabang labi para pigilan ang pag iyak.


Wala siyang narinig na sagot mula kay Mira pero naramdaman nalang niyang ang isang mainit na yakap mula sa dalaga. Doon na tuluyang bumagsak ang luhang pinipigilan niya.


"Shh...magiging okay din yan. Sigurado naman ako na mahal ka ni Sir at may dahilan siya kung bakit niya ginawa yun."


"P-paano kung ayaw na lang niya talaga?"


"Kilala mo si Sir Allen, sa tingin mo ganun siya?" umiling naman si Michael. "Oh diba, sa tingin ko ay may kinalaman yung pag labas niya mula sa office ni Sir Hanz kagabi"


Napatigil si Michael."bakit?"


"Hindi ako sure kung ano pinag usapan nila pero nung lumabas si Sir Allen dun kahapon, tulala lang siya at mukhang iiyak na."


Bumitaw na sa pag kakayakap si Michael at yumuko. Mukhang alam na niya ang dahilan na biglaang pag bitaw ni Allen sa relasyon nila.


Alam na nila...


May ideya na rin siya kung anong ginamit nina Sir Hanz para gawin ni Allen iyon. Ang scholar ship niya. Sa madaling sabi, posibleng isinuko ni Allen ang relasyon nila para hindi mawala ang scholar ship niya.

"Salamat Mira. Sige, mag bibihis na ako, may klase pa kasi." matamlay na sambit ni Michael. Nginitian lamang siya ng dalaga at tumango.


Nag lakad na si Michael papasok sa mansion. Nakayuko lamang siya para itago ang pamumugto ng mata dahil baka makita pa ng tiya niya.


"Michael."


Agad na napatunghay si Michael nang marinig ang boses ng Tiya. Ayaw niya ngang makita ng Tiya niya pero walang magagawa dahil nangyayari na.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now