CHAPTER 21

1.6K 120 3
                                    

"WALA PA RIN KAMING LABEL!"



Biglang napatakip ng bibig si Michael dahil 'di niya namalayang napalakas pala ang pag kakasabi niya.


"Sino kaya yun?" nagulat si Michael nang biglang mag salita si Mira sa gilid niya.


"Hehe wala..." Agad na sambit ni Michael.


"Tapatin mo nga ako ako Michael, mag kaibigan ba talaga tayo?" napatigil si Michael sa sinabi ni Mira.


"Oo naman..." Mahinang sambit ni Michael.


"Oh e bakit hindi mo ako mapag katiwalaan sa mga sekreto mo? Napapansin ko na ang dami mong tinatago sa akin." hinanakit ni Mira. Na guilty naman si Michael sa sinambit ng dalaga.


"Eh kasi..." Hindi mahagilap ng binata ang mga salitang dapat niyang sabihin.


"Oh tamo...wala ka ngang tiwala sakin. Sige alis na ako." sambit ni Mira at akmang aalis na nang hawakan ni Michael ang pala-pulsuhan niya para patigilin siya. Lihim na napangisi ang dalaga.


"Sige na ! Sasabihin ko na" Sambit ni Michael, natatakot siya na baka mag tampo na talaga sa kanya ang dalaga.


"'Wag na, napipilitan ka lang ata" kunwaring irap ni Mira.


"Ah okay" sambit ni Michael at binitawan na ang pulsuhan niya.


"Huy joke lang. Sige kwento mo na" agad na sabi ni Mira at naupo ng muli sa tabi ni Michael. Narito sila ngayon sa garden.


Nag simula na ngang ikuwento ni Michael kay Mira ang tungkol sa lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ni Allen, mula sa una hanggang sa nangyari kaninang umaga sa kwarto ni Allen. Habang nag kukwento si Michael ay naka awang lamang ang bibig ni Mira dahil hindi siya maka paniwala sa lahat ng naririnig niya. Dati ay napapansin ng dalaga ang mga interaction ng dalawang binata pero pinag sawalang bahala lamang niya iyon dahil akala niya ay mag-kaibigan lamang ang mga ito.


"Hoy ano? yang bibig mo baka mapasukan ng langaw yan." sambit ni Michael. Itinikom naman ni Mira ang bibig niya.


"O em ji. I kenat" slang na sambit ni Mira. "Teka...diba lalaki ka , lalaki din si Sir Allen, ibig sabihin nun bakla isa sa inyo? O ano nga ba tawag dun? Bi--bixe--" Tumigil si Mira sa pag sasalita para isipin kung ano nga bang term yun.


"Bisexual." sambit ni Michael.


"Oo ayun nga." pag sang-ayon naman ni Mira.


"Ako, bisexual ako." Sambit ni Michael. Napa isip naman si Mira.

"Eh Si sir Allen?" Tanong ng dalaga.


"Hindi ko alam" sambit ni Michael. Ang totoo niyan ay nakalimutan niya na ang bagay na iyon. Hindi naman niya ito naitanong kay Allen pero dahil umamin ito sa kanya ay baka nga bisexual din ito.

"Eh? Dapat tinanong mo!" sambit ni Mira.


"Next time" sambit ni Michael.


"Teka galing ka sa part time job mo?" tanong ni Mira.


"Oo"


"Bakit hindi ka pa nag papalit ng damit? Amoy araw ka oh" sambit ni Mira na akala mo'y nanay.


"Opo, inay" birong sambit ni Michael at tumakbo na paalis sa garden dahil baka batuhin pa siya ng tsinelas ni Mira.


Nang makarating sa kwarto si Michael ay nag palit na siya ng damit pag katapos ay umakyat sa kamay niya. Ngayon niya lamang naramdaman ang pagod mula sa part time job niya. Kinuha niya ang isang asul na pouch sa loob ng bag niya na nakalagay sa gilid ng kama. Sa pouch nakalagay lahat ng perang naiipon niya mula sa part time job at sa sweldo niya sa mansion.


My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Where stories live. Discover now