CHAPTER 46

1.4K 78 25
                                    

"What should we buy for nanay?"


Tanong ni Allen. Narito sila ngayong dalawa sa palengke at namimili ng ipang reregalo mamayang gabi. Naisip kasi ni Allen na bigyan nilang dalawa ang mga magulang ni Michael. Hati silang dalawa sa gagastusin dahil ito ang gusto ni Michael.

"Bistida." sagot ni Michael.


"Bis-what?"


"Bistida, yung mga dress na sinusuot ni Nanay sa bahay." sambit ni Michael.


Napatango naman si Allen. Nag punta silang dalawa ni Michael sa pwesto na tindahan ng damit. Pumasok sila sa loob. Agad naman silang sinalubong ng tindera.

"Ano sa inyo mga ijo?"

"We are looking for bistida."sagot ni Allen. Napatingin naman kay Michael ang tindera, siguro ay hindi na unawaan ang sinabi ni Allen.

"Nag hahanap po kami ng bistida." sambit ni Michael.

"Ah sabi nga't may narinig akong bistida eh, akala ko lang ay kung ano ang iba pang sinabi niya." kakamot kamot sa ulong sambit ng tindera.

Napangiti nalang ng alanganin si Michael at sumunod na silang dalawa sa tindera. Naka rating sila sa isang hangeran na puro bistida. Agad na tiningnan isa-isa ni Allen ang mga iyon.

"What do you think?" tanong ni Allen at ipinakita sa kanya ang isang asul na bisita na may sunflower design.

"Maganda"

"How about this?" pinakita naman sa kanya ni Allen ang isang bistida na kulay orange na may design na bulaklak.

"Maganda din."


"Then, we'll take this too. How about for Tatay,  Mia and Tito Ed?" tanong ni Allen.

Napa-isip naman si Michael. "Hmm, kay Tatay pwedeng long sleeves na pang ani at ang kay Tiyo Ed ay polo. Si Mia naman ay balak kong bilhan ng phone."


Napa tango naman si Allen at bumaling sa tindera sa gilid nila.

"Long sleeves na pang ani and polo shirt."

NANG matapos mamili ng mga regalo at pambalot ay nag punta silang dalawa sa shop ni Apple para doon na lamang balutin ang mga regalo. Balak ring ipakilala ni Michael si Allen sa kababata.

"Hi Alfredo!" bati ni Michael pag kapasok sa shop ni Apple na sinamaan naman siya ng tingin pero agad na napangiti ng makita si Allen.

"Ehem ano ka ba Michael, I'm Apple right hehe" malambot na sambit ni Apple at nag lip bite pa kay Allen na nag tago naman sa likod ni Michael. "Sinech be eyeng keseme meng fefe"


Napangiwi naman si Michael dahil sa kung paano nag salita si Apple.

"Siya si Allen." sambit ni Michael.

"Ah...Allen---WHAT? YUNG ALLEN NA JOWA MO? HINDI NA PALA, KASI BREAK NA KAYO DIBA? SO MAY CHANCE AKO?!"

Napangiwi si Michael at Allen dahil sa lakas ng pag sasalita ni Apple.


"Heh mag tigil ka. Mag babalot lang kami rito sa shop mo." sambit ni Michael at hinila si Allen sa isang mesa. Lumapit naman si Apple sa kanila.

"Wow ang dami nemen, meren be eke dyen" sambit ni Apple.

"Alfredo umayos ayos ka nga sa pag sasalita mo para kang ewan na tabingi ang nguso" sambit ni Michael.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя