Chapter 26

537 19 0
                                    

Kinabukasan, nang matapos ako sa pag-eehersisyo'y agad na ring umalis sa condo. Hinintay ko lang na dumating ang official transpo ng team namin dito sa harap ng building.

There, I hitched a ride to the airport kasi sigurado akong magkakasama pa rin naman kami mamaya kaya walang silbi kung magdadala ako ng sasakyan.

Patrice was the closest teammate I had. Kumbaga, kung si Lucie ang maaasahan ko sa org, si Antonio sa kompanya, si Patrice naman sa volleyball.

So I trust her enough to arrive at the airport at the ETA she sent me. Magte-text naman siguro siya kung na-delay ang flight nila.

Bumaba ako sa van upang makapaghintay sa labas. Hindi pa nag-iisang minuto ang lumipas nang may nadaanang pamilyar na tao ang aking mga mata.

Oh God, pati ba naman dito? Was it impossible to have a peaceful day when I'm in this country?

Sa laki ba naman ng buong Metro Manila'y talagang nagkasalubong pa kami ulit?

I wanted to go back inside the van.

But just as the thought was forming, saktong bumaling si Amarissa sa akin. Our eyes met. At sa pagkakataong ito'y alam kong imposibleng magkunyari akong hindi ko na siya nakita.

Malawak siyang ngumiti at kinawayan pa ako. She carefully weaved her way through the crowd so she could get to me, a hand protectively placed on her protruding belly.

"Uy Kyla! Naabutan rin kita! Nung huling pagkakataong nagkasalubong tayo'y nagmadali ka naman kasing umalis," nakangiti niyang ani.

Huminga ako nang malalim. I wasn't innocent. In fact, I was far from it.

Pero pakiramdam ko'y malulunod na ako sa guilt na mararamdaman oras na sungitan ko siya ng sobra sobra just because she was involved with someone I wasn't on good terms with.

Masyado siyang mabait at mapagkaibigan that I can't even bring myself to dislike her.

"I haven't seen you since last year," tipid kong ani. Sanay naman kasi siya sa ganito. Nagkakilala kaming ganito na ang pakikitungo ko kay Jordi kaya natural ay nadamay siya sa ganoong pakikitungo.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata habang ang isang kilay ay nakataas. "Talaga ba?" she said in a taunting manner.

She didn't believe me.

"Oo nga."

She let out a chuckle at mahinang sinapak ang aking braso. "'To naman! Di mabiro!" nakangiti niyang sabi.

Bumaling ako sa direksiyon ng pinto. Na-delay kaya ang flight nila? Does that mean I'll have to spend more time talking to this woman? Pakiramdam ko'y mas lalong dadami ang kasalanan ko sa kanya.

I was only tying the loose ends of our relationship. Hindi naman siguro siya magagalit na binigyan ko ng ticket si Jordi? And by now, siguro alam na niya?

"Anong ginagawa mo dito?" I asked nang mapansin ang tinging binibigay niya sa akin sa gilid ng aking mata. It was as though she was waiting for me to continue the conversation.

"May hinihintay," agad niyang wika. "Ikaw? Uwi ka na sa Spain?"

Siguro, kung hindi siya buntis ay kanina pa siya tumatalon-talon. She was radiating with energy na parang handa siyang umakyat ng bundok kahit na ngayon mo pa lang inimbita.

A perfect match.

I returned my gaze to the doors. "Hindi," tipid kong ani.

A beat passed before she laughed once again. Muli'y sinapak niya naman ang braso ko habang tumatawa. Dahil sa gulat ay bahagya akong nawalan ng balanse kaya kinailangan kong umayos ng tayo.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now