Chapter 37

600 16 0
                                    

"I knew it!"

Mas mabilis pa sa kidlat ang paglayo ko kay Jordi. Itinukod ko ang kamay sa mesa para hindi maging obvious ang panghihina ng tuhod. Nananakit na ang dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso.

Kahit na hindi ko nakikita ang sariling mukha'y ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. I glanced at Jordi at the corner of my eye, ang mga mata'y napapikit, lips pressed together in annoyance.

Nang sinalubong niya ang aking tingin ay tumikhim ako't bumaling sa taong nagsalita.

"It's been what? 10 years?"

Nicki stood just outside our cottage in a maxi dress. Hanggang ngayo'y naiinis pa rin talaga ako sa mahinhin niyang boses. Only this time, hindi na niya sinubukan pang itago ang sarkastikong ekspresyon niya kay Jordi.

Jordi's hands snaked to my waist as he pulled himself to stand properly. Kahit na may t-shirt naman akong suot ay pakiramdam ko'y hubo't hubad ako dahil sa init ng palad niya sa aking bewang. I felt drunk somehow.

Nicki followed that movement with her eyes na ikinataas ng kilay niya.

"You should join me and my boyfriend for dinner."

I was too distracted by the warmth of his fingers that I said, "Sure..."

Sarkastiko siyang ngumiti. "Nice, hihintayin ko kayo sa resto ng hotel."

She didn't wait for us to say anything after at kusa nang umalis.

"Magsho-shower muna ako," wika ko habang nakatingin sa buhangin. I could feel his stares burning a hole at the back of my head pero hindi ko pa magawang salubungin ang kanyang tingin. "I—I'll go in. Wait for me."

I nervously slipped away from his hold bago mabilis na naglakad papasok sa hotel. The cold water only did little to quench my burning body.

Kung hindi man ako sigurado noon, then what happened today convinced me. I was still as crazy for Jordi as I used to be, if not crazier. Siguro'y sapat na namang ebidensiya ang mga naramdaman ko kanina.

Hindi man lang hinintay na umabot ng tatlong buwan ang muling pagkakasundo namin and I've already rekindled the fire from before.

I was better when I left my hotel room. Dinala ko na rin ang maliit kong duffel bag para diretso na lang kami mamaya pagkatapos kumain. Masyado akong lutang kanina para tanggihan ang anyaya ni Nicki kahit na busog na busog na naman kami.

Agad kong namataan si Jordi pagbaba ko sa resto ng hotel. He was already filling two glasses with soda malapit sa buffet table.

Inilibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko makita kung saan nakaupo si Nicki kaya lumapit na lamang ako kay Jordi.

"Kanina ka pa?"

My voice came out softer than normal kaya natigilan siya. Agad akong tumikhim bago siya sinamaan ng tingin nang binigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti.

"Kakarating lang din," he said, mocking my soft tone. Inambahan ko siya ng malakas na suntok before I ended up punching his shoulder lightly para hindi matapon ang soda, kaya natawa siya. "Let's go, I got you yours."

Tinanggap ko ang isang baso mula sa kanya as he reached for my bag. I didn't protest, and gave it to him peacefully.

Tahimik kong tinamasa ang sarap ng soda habang sinusundan siya. Hindi pa man kami nakakalapit ay nilamon na ako ng gulat dahil sa nakita.

"Wow?" Francis said, smiling widely while he sat next to Nicki, his arms resting on the back of her chair kaya mukhang inaakbayan niya si Nicki.

Hindi man sapat iyon para makarating ako sa isang konklusyo'y naalala ko ang nabanggit niya kanina. She said she was with her boyfriend.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now