Chapter 36

662 26 5
                                    

By the end of January, hindi ko na kinailangan pang mag-grocery kasi hindi ko naman nakakain ang nailaan ko sana para pang-dinner dahil halos araw-araw akong nilulusob ni Jordi sa Razon.

Itinigil ko ang sasakyan sa parking lot ng simbahan. Ngayon na ang binyag ni Zoe, the first time I was going to have a shot at reconciling with Amarissa.

Ate already texted me na nakarating na raw sila kanina kaya lumabas na ako sa sasakyan. I appreciated my dress's reflection on my car's window habang itinatago ang ngisi.

Nung isang araw kasi, Jordi insisted that we should wear matching clothes. Ang napagkasunduan nami'y shade of red ang susuotin, but instead, I wore a dark blue dress.

On my way inside, kita kong nakatayo na si Jordi sa bukana ng simbahan, his hands in his pocket habang lumilinga-linga na tila may hinihintay.

Nang napansin niya ako'y tumaas ang kanyang kilay as his eyes lowered to my dark blue dress. But the smug look on my face gradually faltered when I noticed that he was wearing a light blue polo.

It makes me sound like a hypocrite but, akala ko ba red ang napag-usapan namin?

"Hindi ka tumupad sa usapan," wika ko nang makalapit.

"I still know how this," he poked the side of my forehead for a few times, "works. Hindi mo ako maiisahan, Kyrell Larea."

Sinamaan ko siya ng tingin bago hinanap sina Ate. Nakita ko siyang nakatayo sa likod habang karga si Jaxon while Juan was chasing Joaquin around.

I made a beeline for them at agad ring napansin ang makahulugang tingin na binibigay ni Ate sa akin as her gaze flew towards Jordi.

"Magsisimula na ba?" tanong ko nang makalapit na.

"May iilang guests pang hinihintay," sagot naman ni Ate. I greeted Jaxon and Joaquin for a while at nang sunod kong baling ay nasa kabilang bahagi na si Jordi.

I watched as he approached Amarissa and her husband. Bahagyang tumingkayad si Amarissa't nag-beso silang dalawa before they launched into an animated conversation, their heads hunched close as though sharing a secret.

"Kumusta?"

Natanggal ang aking tingin sa kanilang dalawa dahil sa tanong ni Ate. Paglingon ko sa kaniya'y nakatingin rin siya kina Jordi.

"Ayos lang," I answered. I returned my gaze towards the trio.

"May mga naririnig ako..." wika ni Ate. "Would you like to share?"

Even from where I stood, kita kong nagulat si Jordi sa kung anuman ang ikinwento ni Amarissa sa kanya. He stared at her in awe habang si Amarissa nama'y tumango-tango ng ilang beses bago sabay silang natawa.

"We have dinner, sometimes," I said. I could feel my sister's sidelong look at the side of my head. "If we didn't crave for something more then we would've been like them," dagdag ko nang hindi siya nagsalita.

Iyon ang isa sa mga konklusyong narating sa mga magdaang hapunan namin. If we stayed as friends then our relationship would've been like the one he had with Amarissa.

Saan man mapupunta ang sinusubok namin ngayon, kasabay ng motibo niya umano'y alam kong wala sa mga posibilidad na iyon ang magkalayo silang dalawa. And I wouldn't want that either.

She was a part of who he is as much as I was a part of who he was.

As though sensing my gaze, biglang natigilan si Jordi sa gitna ng pagsasalita't bumaling siya sa akin. His eyebrows arched up in the way it usually does when he catches me looking, only this time, hindi ako nag-iwas.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now