Chapter 18

601 26 0
                                    

"Fuck," I muttered to myself nang biglang sumulpot ang malaking puso sa gitna ng post ni Jordi last year. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa pagmamadaling i-unlike ang picture na iyon.

I glanced at the clock.

10:45 AM.

Alas-kwatro na sa Pilipinas ngayon. Surely, he's not on his phone often? Baka may lakad siya ngayon o di kaya'y may training?

Hindi ko pa man tuluyang nakukumbinse ang sariling iyon nga ang kaso'y may bagong message nang pumasok.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang mapansing sinasamaan na ako ng tingin ng isang babaeng may kasamang bata dahil siguro sa mura ko kanina. I gave her an apologetic look before I turned back to my phone.

jordigdl6
kita ko yun

I shut my eyes tightly bago huminga nang malalim. Tatanga tanga naman kasi, Kyla!

Tinitigan ko ang mensahe niya, inaasahang bigla na lang iyong maglalaho pero walang nangyari.

Umusog ako sa kabilang gilid nang may tumabi sakin, pero hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa mensahe niya.

Over the past months, Jordi has been consistent with his replies to my IG stories.

Kapag nagpo-post ako ng pagkain, he'd reply variations of "yum😋." Kung kanta nama'y, "pa-sample nga diyan." At kung ano-ano pang maisipan niyang maireply.

Dahil hindi ko naman alam ang i-rereply sa kanya'y sini-seen ko na lang din.

"Sanchez!"

I looked up from the phone to the secretary.

The woman with the child stood up and walked towards the door.

Tulad ko'y nagsilingunan rin ang iba pang mga naghihintay pero nang napagtantong hindi naman sila ang tinawag ay bumalik na sa mga ginagawa.

Hinihintay ko pa kasing tawagin na ang pangalan ko para sa appointment ko sa therapist.

Noong unang mga araw kasi pagbalik namin rito'y halos gabi-gabi akong binabangungot. My nightmares would be my memories during the accident at sa dalas nito'y halos hindi ako makatulog.

It somehow affected my appetite. Nawalan ako ng ganang kumain and the fact that the house was always silent made me feel isolated.

Our parents were always at work at kung hindi nama'y nagpapahinga sila sa kwarto. My sister was clearly not in the mood to socialize. Kahit hindi siya makwento'y buo na ang isip kong naghiwalay na nga sila ni Juan.

We were all wrapped around our own bubbles and I was struggling in mine.

Kaya nang napansin ni Ate ang pamamayat ko'y tinanong niya ako tungkol rito. And it was then when they started taking me to the therapist.

Hanggang ngayo'y may monthly check up pa rin ako sa doktor ko para masiguradong wala akong lifelong damage na natanggap sa aksidenteng iyon.

Last month pa tuluyang nawala ang pagkakahilo ko kaya hindi ko pa binibigla ang sariling sumabak agad sa volleyball. Instead, I worked on my skills with art at siguro'y kumpara noon ay mas maalam na ako rito.

Sa kaso naman ng pagpapanggap ko kay Jordi, well...

I convinced myself that the best course of action would be to act like I never got the chance to retrieve my memories of him that day. Iyon na lang ata ang tanging solusyon, kung gusto ko pang maisalba ang sariling dignidad.

Kung bubuksan niya man ang usapang iyo'y kayang-kaya kong magkunyaring wala akong alam. Dahil nagrereply nga siya sa IG Stories ko'y hindi na rin kailangang magkunyaring hindi ko alam na Jordi ang pangalan niya.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now